Ken's POV
"Naisulat mo ba lahat sa letter?"
Napaiwas ako ng tingin kay Xander. Bakit naman kasi ganun pa ang tanong niya.Bakit nacurious pa siya?
"Hindi ano? Umayos ka, Ken! Kapag pinaiyak mo na naman si Ayu hindi ko na pipigilan si Yannie na sugurin at bugbugin ka."
"Sabi niyo magpakatapang ako. Sabi niyo huwag akong maging duwag. Ayan na nga, gagawin ko na. Gusto kong sabihin ng personal sa kanya ang iba pang dahilan. Kung idadaan ko sa sulat, baka may mamisinterpret siya. Kailangan harapan ko mismo sabihin ang bagay na 'to."
Napangiti siya at sinuntok ako ng pabiro. "You've grown. You're being a man."
E kung suntukin at bugbugin ko kaya 'to ngayon. Ibig sabihin noon ang tingin niya sa akin ay bata pa rin? Peste!
"Ano? Iwan na ba kita dito? Kaya mo na ba o kailangan mo pa ng cheerer?"
"Lumayas ka na!"
Natatawa siyang umalis ng may maalala akong sabihin sa kanya, "Xander." Humintosiya at nilingon ako. "Kung magtanong man sa inyo sila Yannie, okay lang na sabihin niyo. Kaibigan ko rin naman sila kaya ayos lang na malaman nila."
Tinanguan at tinalikuran niya ako saka umalis.
Napatingin ako sa kwarto ni Ayu. Bukas ang ilaw. Siguro ngayon binabasa na niya ang sulat ko. Sana maintindihan niya ako kahit hindi pa 'yun ang kabuuan ng kwento.
Siguro nga malaking pagkakamali ang itago ko kay Ayu ang problema ko. Kung siguro sinabi ko na sa kanya 'to noon pa, hindi na sana lumaki pa ang gulo. Tama sila. Saan ko ba ginagamit ang talino ko kung sa totoong buhay naman napakabobo ko?
Dapat kong pagbayaran ang katangahan ko kaya kahit abutin man ako ng pagsikat ng umaga o paglubog ulit ng araw sa tapat ng bahay nila Ayu, wala na akong pakialam. Maghihintay ako kahit sa manginig pa ang tuhod ko sa pagkangawit. Maghihintay ako hanggang sa masabi ko na sa kanya ang buong kwento.
Kaya lang hindi koalam kung anong kabutihan ang ginawa ko noong past life ko at ngayon ay nakikita ko na ang papalabas na si Ayu sa bahay nila. Lumabas na nga angaraw; ang araw ng buhayko. Kinakabahan ako. Lintik na 'yan. Nasaan na naman ang tapang ko?
Napalunok ako ng tumayo siya sa harapan ko. Hindi ko maaninag ang mata niya. Masyado kasing madilim pero base sa ekspresyon ng mukha niya, wala..wala akong mabasa.
"A..ayu." paninimula ko.
Hindi pa man din ako nakakapagsimula sa sasabihin ko ng sampalin niya ako. Nakakagulat. Hindi masakit pero dahil galing sa kanya, pakiramdam ko kumirot ang puso ko. Parang daig ko pa ang nasagasaanan ng pison o ang nabaril ng ilangbeses.
"Stupid!"
Umiiyak na siya. Langhiya, anong gagawin ko?
"You're so stupid, Ken! Gamitin mo nga utak mo! May hinarap kang malaking pagbabago sa buhay mo tapos sinarili mo lang? Napakatanga mo!"
Hindi ko na alam ang gagawin ko kasi bigla na lang siyang umupo sa daan. Nakapatong ang dalawang siko sa tuhod at nakatikip sa dalawang mata ang mga kamay.
Umupo ako sa tapat niya. Tiningnan niya ako ng masama, "Stupid!"
Napangiti ako at hinila siya palapit sa akin saka niyakap, "I love you too."
Nanatili kaming magkayakap ng di ko alam kung gaano katagal hanggang sa yayain niya akong umupo sa damuhan sa tapat ng bahay nila.
"Paano mo nalaman?"
Ito na. Napakaagang tanong naman. Napabuntong hininga ako, "Hindi buong istorya ang nasa sulat ko."
"Paanong hindi?"
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Teen FictionTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)