Yannie's POV
Hi, Ma. Tambay tayo mamaya kung saan man. Sunduin kita mamaya sa inyo. I love you.
Napangiti ako sa bouquet at card na iniabot sa akin ni Ayu, "Hindi nyo naman anniversary. Hindi niyo monthsary. Walang spesyal na okasyon. Bakit ang effort at ang sweet ng boyfriend mo?"
Bakit nga ba? Hindi ko rin alam at wala na akong balak alamin pa ang dahilan. Masaya ako. Masaya kami. Tapos ang usapan.
Kinuha ko ang phone ko para itext siya at magpasalamat na rin sa pinadala niya.
What a great way to start the day. Ang sweet talaga ng boyfriend ko.
Kung may isang bagay akong ipagpapasalamat na nangyari sa buhay ko, 'yun ay ang lumipat kami ng eskwelahan noong 4th year highschool kami.
Noong panahong 'yun pakiramdam ko nasa kailaliman ako ng nararamdaman ko. Noon, akala ko hindi ko na ulit makukuhang ngumiti. Pero tulad nga ng sabi nila, best things happen when you least expect it.
I wasn't expecting him to enter my life, but he did. Pumasok si Xander sa madilim, boring at malungkot kong buhay at ginawa itong maliwanag, exciting at masaya.
Sa totoo lang, sa kanilang apat, siya ang sa tingin ko ay hindi ko magugustuhan. Bukod sa mayabang at nakakainis siya, dakila pa siyang babaero na walang ginawa kundi bwisitin at sirain ang araw ko. But I guess hindi ko talaga pwedeng pangunahan ang nararamdaman ko.
He came in my life and made me happy again. He made me believe in love again. He made me smile at aminin ko man o hindi, I'm the happiest when I'm with him.
Kinuha ko ang card na may sulat niya at inilagay ito sa kahon kung saan ko iniipon ang iba pang cards na binibigay niya. Madalas niya akong bigyan ng cards, letters o kahit na ano mang papel na naglalagay ng mga nararamdaman niya- nararamdaman para sa akin.
Ginawa ko ang lahat ng dapat kong gawin at nag-ayos para kapag dumating sya, aalis nalang kami at okay na.
"Naks. Agang nakaayos. Excited?"
Binalibag ko ng throw pillow ang nagsalitang si Sab.
"Sira! Mabuti ng handa. Kesa naman pagdating niya, saka palang ako mag-aayos."
"Sanay naman ng maghintay malamang si Xander." gagatong pa si Zoe. Pagtulungan ba ako.
"Hindi naman ako parang ikaw na sobrang tagal kumilos. Baka biglang dumating -- "
Sa mismong pagbanggit ko ng salitang 'yun, may nagdoorbell na. "Speaking." bulong ko at inutusan si Zoe na buksan ang pinto na inutos nya kay Ayu na ipinasa kay Sab na inutos pabalik sa akin.
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Teen FictionTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)