Battle 34

1.1M 25.5K 7.4K
                                    

Sab's POV

"'Yung babaeng eskandalosa.. parang nakita ko na dati."

"Sinong babae?" Tanong ni Ayu sa akin.

"'Yung nandito kanina. 'Yung fiance kamo ni Ken dapat."

"Ah, si Krista?"

Napatango ako at pinilit halukayin sa kadulo duluhan ng utak ko kung saan ko nakita yung mukha nung babaeng yun. Kaya lang hindi ko talaga mahukay e. Akala mo naman napakaraming laman ng utak ko at natabunan na ng memorya ko yung babae.

Pero hindi pwede. Ang hirap kaya matulog kapag may pilit kang tinatandaan pero hindi mo matandaan. Nakakaloka ang life.

"Saan ko ba nakita yun?" Halos bulong ko na lang sa sarili ko.

"Baka nung nasa cafe kami. Nung nakita namin kayo."

Feeling ko may light bulb na umepek sa ibabaw ng ulo ko. Feelingera ko talaga. Tama. Siya yung nasa cafe. So, siya pala. Kaya lang dalawa sila. Sino yung isa?

"Dalawa 'yung babae di ba?"

Tinanguan ako ni Ken, "Siya at yung friend niya."

So.. kung si yung Krista ‘yung supposed-to-be fiancé ni Ken, and Josh is with them plus yung isang other girl.. does that mean that.. Oh come on!

Napalunok ako at napatingin kay Ayu at Ken na kausap na ulit ‘yung iba. Itatanong ko kaya? Huwag na lang nakakahiya. Pero sanay naman na akong gumawa ng kahihiyan ‘di ba? Pero huwag na. Madadagdagan pa.

Napalingon ako sa isang katabi kong si Ram. Ha! Sab, you’re so talino. Tama ‘yan nasa isip mo. Ipatanong mo kay Ram.

“Hoy.” Tawag ko sa kanya kaya nilingon niya ako, “Tanungin mo nga si Ayu kung sino pa ‘yung isang babae na kasama nila Ken sa café.”

“Ask her.”

Bwist ‘to. Ang sungit. Nagpapatanong lang ayaw pa. Kapag ako nainis nito sisipain ko ‘to palabas ng No Name. Letse siya.

Sige na. Kikimkimin ko na lang. Akin na lang ‘tong tanong sa utak ko. Hindi na lalabas pa. Ibabaon ko na lang ‘to hanggang pagtanda ko.

Medyo late na rin ng mapagpasyahan ng lahat na umuwi. Katwiran nila, sembreak naman kaya ayos lang. True. One month na chill chill lang. Walang professor na magagalit sa’yo at magtatawag para magtanong ng mga tanong na alam naman niya ang sagot. Walang oras na dapat sundin kung kailan ka lang pwede lumabas ng room. Walang everyday byahe papuntang school at pabalik sa bahay.

Puro pag rerelax lang. Chill lang kumbaga. Solo mo oras mo. Wala kang hahabulin. Kaya lang one month lang na ganun at sad to say, nabawasan na ng kulang dalawang linggo ang isang buwan na ‘yun. Buti pa si Phineas and Ferb forever bakasyon.

***

Masyado atang nagkamiss-an si Ayu at Ken kaya halos hindi na maghiwalay. Nakakainis. Sawang sawa na ako sa mukha ni Ken. Kagabi kasama namin sa No Name tapos ngayong pagbaba ko siya na naman makikita ko.

“Good morning, Sab.” Bati niya sa akin habang masayang nakaupo sa dining table. “Tara, kain.”

“Hindi ba dapat ang bisita ang sinasabihan niyan? Anyare?”

Natawa sila at nagpatuloy sa pagkain ng almusal.

“May tinatanong si Ram sa akin kagabi bago umuwi.”

“Ano raw?” bored kong sagot kay Ayu.

“May itatanong ka raw sa akin. Kaya lang nakatulog at nagising na tayo’t lahat hindi mo pa rin natatanong.”

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon