Battle 24

1M 22.9K 6.7K
                                    

Ayu's POV

Masakit. Sobrang sakit. Kahit ilang daang beses ko atang sabihin na masakit, wala pa rin. Kahit ilang beses ko pang iiyak ang nararamdaman ko, hindi pa rin nito mababawasan ang lahat ng sakit sa puso ko.

Isang linggo na magbuhat ng makipaghiwalay siya sa akin. Ang happiness ko.. ano ng nangyari sa happiness ko? Happiness pa ba ang dapat itawag ko sa kanya kung puro sakit at pagtataka na lang ang nararadaman ko ngayon dahil sa kanya.

Ang daming tanong na bumabagabag sa isip ko. Bakit siya nakipaghiwalay? Napagod lang ba talaga siya o nagsawa na? Baka habang nandun siya, may nakilala siyang babaeng makakapagpasaya sa kanya? Yung katabi niya. Yung kasama niya. Yung nahahawakan niya. Yung nayayakap at nahahalikan niya. Hindi yung tulad ko na sa likod lang ng screen nakikita. Hindi mahawakan, hindi makasama. 

Sa tuwing naiisip ko 'to pakiramdam ko dinadagsa ng mga pison ang puso ko. Parang patuloy na sinisiga at sinisilaban. Sana mamanhind na lang ako. Sobrang sakit. Hindi ko na alam ang gagawi ko. Mababaliw na ata ako.

Isinantabi ko ang pride ko. Hinayaan kong magmukhang desperada ang sarili ko. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot. Sinubukan ko siyang i-message pero hindi siya sumasagot.

Ngayon nakaharap na naman ako sa monitor at nagbabalak i-message siya. Hindi na gumagana ang utak ko. Pinapairal ko na lang ang gusto ng puso ko. At ang gusto nito ay ang bumalik sa akin si Ken.

Hi Ken. Namimiss na kita. Sobra. Matatapos na ang first sem dyan. Isang linggo na lang ba? Malapit ka na ulit umuwi. Isang sem na lang.

Pinindot ko ang send. Nagtutubig na naman ang mata ko. Nagbabadya na naman umagos ng mga luha ko.

Nakukulitan ka na ba sa paulit-ulit kong pagmemessage sa'yo? Sorry ha. Pero Ken umaasa pa rin akong sagutin mo ang mga 'to. Araw araw pa rin akong nagchecheck kung may message o tawag ka. Baka kasi biglang magbago ang isip mo at balikan mo ako. Kung gagawin mo yun, pangako tatanggapin kita agad. Pero kung ayaw mo naman ng makipagbalikan sa akin, sana sabihin mo man lang kung ano ang ginawa kong mali. Please,Ken.

Halos hindi ko na magawang huminga sa sobrang bigat ng dibdib ko kakaiyak. Ayokong maniwala na tapos na kami. Ayoko.

***

Zombie. Siguro ayan ang best description sa akin ngayon. I am a walking zombie. Walang tulog. Kumakaway ang eyebags. Walang buhay.

"Ayos ka lang ba?" Tanong minsan ni Zoe ng makitang nakatulala lang ako sa isang tabi.

Wala pa silang kaalam-alam na wala na kami. Ang akala nila, kami pa rin. Ayaw ko kasing sabihin na wala na kami kasi kapag sinabi ko yun, pakiramdam ko totoo na. Pakiramdam ko final na yun. Wala ng bawian. Ayoko pang tanggapin ang totoo kaya hindi ko magawang sabihin sa kanila. Mas pinili kong magpalamon sa aking ilusyon.

"Ilang araw ka ng ganyan."

"Pagod lang to kakareview. Don't worry." I lied. Salamat na rin at hindi niya ipinilit magtanong pa.

Masaya kaya siya dun ngayon? Siguro I should give him some time to think. Baka naguguluhan lang siya dahil sa sobrang stress sa school pati na rin sa work. Siguro hindi naman talaga niya gustong sabihin yun. Siguro hindi siya nakakapagreply kasi hindi na niya magawang makapagbukas ng internet sa sobrang busy.

"Nakakalunod."

Napaupo ako ng diretsyo at napatingin sa tumabi sa akin. Si Ram.

"Mukha kang namatayan."

Siguro ganun nga ang itsyura ko ngayon. Parang baliw na nakaupo sa upuan na nakalagay sa corridor, nakatulala at malalim ang iniisip.

"Oo."

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon