Battle 18

1.1M 24.9K 6.2K
                                    

Sab’s POV

Isang linggo na lang at magsisimula na ang panibagong pasukan. Si Ice nakabalik na rin ng Pinas. Si Ken na lang talaga ang kulang. Or maybe Josh as well. Alam mo 'yung pakiramdam na ang lapit lapit niya pero parang ang layo pa rin?

Minsan ng naisip ko na parang mas malapit lang si Ken kaysa sa kanya. At least kasi si Ken, constant 'yung pag-uusap nila ni Ayu. Kapag nag-uusap sila, as in usap talaga. Hindi 'yung parang si Josh na nakakausap mo nga pero parang hindi rin. He's so close and yet so far.

“Basketball.” Tanging naisagot ko ng tanungin ako ni Ice kung nasaan na nga ba si Josh.

Nakakainis na lagi na lang nakatutok 'yung atensyon niya sa basketball. Na para bang sa basketball na lang umiikot ang mundo niya. Ever since naging member siya ng varsity, puro basketball na lang ang alam niya. Siguro nag-eenjoy siya sa atensyon na binibigay sa kanya ng mga tao. Kaya habang ninanamnam niya ang atensyon na 'yun, nakalimutan na niyang bigyang pansin 'yung totoong mga nakapaligid sa kanya kahit noong wala pa siya sa varsity. Naiitsyapwera na lang ako madalas. Mas madalas na rin niya kasama ang mga teammates niya kaysa sa amin na barkada niya.

He's changing. He's slowly drifting away. He's becoming a stranger to me- to everyone of us. Ewan ko kung may pagkaparanoid lang ako o kung totoo na ba 'tong napapansin ko. Whatever, maybe I'm just thinking too much.

"Yo, what's up?!"

Hindi na ako nagulat ng may umupo sa tabi ko at umakbay. Okay-- scratch that. Nagulat ako. Nagulat ako kasi nandito siya. "Buhay ka pa pala?"

Kung pwede lang lapitan at yakapin ngayon si Ice dahil sa sinabi niya ginawa ko na. I wanted to say that pero I decided na huwag na lang. Minsan na lang nga kami mag-kita, gugustuhin ko pa bang sa bangayan na naman mauwi ang pagkikitang 'yun?

"Grabe ka naman pare. Nagpractice lang naman akong basketball saglit. Ikaw nga dyan ang buong bakasyon nawala." medyo mapang-inis na sagot ni Josh kay Ice.

Siguro tinamaan si Ice sa sinabi ni Josh kaya napatahimik na lang. Napairap naman ako sa naging sagot niya. Seryoso ba siya? At least si Ice kapag nandito laging pinaparamdam kay Zoe 'yung importance niya. E siya? Parang hindi naman.

"Joke lang." natatawang dagdag pa ni Josh.

"Valid naman ang reason niya noong nawala siya. Ang layo kaya niya saka pamilya naman niya kasama niya." pagtatanggol ni Zoe sa boyfriend. "E ikaw, bakit ka ba madalas wala? Ang dalas mo pa kaming hindi samahan sa mga lakad."

"Reasonable din naman ang excuse ko ha? Nagprapractice ako ng basketball. Pride kaya ng university 'yun kapag ginalingan ko."

"So you're aiming for MVP pala." patango-tangong sagot ni Zoe. "Sana habang pinupursue mo 'yang pagiging most valuable player mo, huwag mong kalimutan maging most valuable boyfriend kay Sab at friend sa amin."

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon