Battle 25

1.1M 23.3K 9.5K
                                    

Ayu's POV

Ang hirap ng ganito. Pakiramdam ko mauubusan na ako ng tubig sa katawan sa lahat ng luhang iniyak ko. Ngayon ko lang nalaman ang kapasidad ng isang tao na umiyak ng ganito karami. Parang walang katapusan-- walang hangganan.

"Seryoso ba 'yan?" Tanong ni Yannie na gulat na gulat.

"Sa tingin mo iiyak siya ng ganyan kung hindi?" Masungit na sagot ni Sab saka lumingon sa akin, "Kailan pa?"

"Few weeks ago." Halos pabulong ko na lang na sagot. The pain is still here. The pain is still etched in my heart.

"Bakit daw?"

Nagkibit-balikat ako at napasandal, "He got tired, I guess." Inabutan na ako ni Ram ng tubig dahil halos pahikbi hikbi na ako.

Binalot ng katahimikan ang buong table namin. Napapalibutan nga kami ng ingay ng mga tugtog at mga tao sa paligid na nasa No Name, pero parang wala pa rin kaming naririnig. O ako lang?

Seryoso ang mga mukha nila. Alam kong naaawa sila ngayon sa akin pero ayokong kaawaan ako. Ayoko.

"Gago talaga." Halos ibulong na lang ni Josh ang sinabi niya.

"Anong nangyayari sa kanya? Ilang araw pa hindi nagpaparamdam 'yun. Parang laging busy. Kausapin mo naman palaging wala sa mood. Anong problema niya?" Iritang sabi ni Xander.

"Nakakainis. Nakakainis. Ang sarap niyang sapakin. He's changing. Akala ko seryoso tapos ganun lang pala makikipagbreak na. Dahil lang sa napagod siya. Damn, Ken. We need to talk to him." Tulad ng reaksyon ni Xander, ganun din ang reaksyon ni Yannie.

Sumang-ayon ang halos lahat sa gustong mangyari ni Yannie pero biglang nagsalita si Ice, "Let him be."

"T*ngina naman, Ice." Nagulat na lang kami ng mapatayo at mapamura si Josh. Halata ang pagkainis sa mukha niya. Sabagay. Sino nga ba namang kapatid ang gugustuhing makitang malungkot at sinasaktan ang kapatid niya? Wala naman siguro. "Gin*go ni Ken ang kapatid ko at kaibigan niyo pero gusto mong hayaan lang natin siya? Anong kagag*uhan yun?!"

"Huwag tayong magconclude agad. We know Ken too damn well. We can't judge him that easily."

"We can't judge him that easily? Psh. He broke Ayu's heart so easily. Look at her. Mukha bang okay lang siya? Hindi! Nasasaktan siya at sinasabi ko sa'yo, hindi yun masarap sa pakiramdam. Nakakabaliw. Nakakaloko. Lagi mong tatanungin sa sarili mo kung anong mali sa'yo, kung bakita ka nasasaktan ng ganito. Maiisip mo kung kulang pa ba ang pagmamahal na ibinigay mo. Nakakag*go yun, Ice. Sobra!"

Nanikip ang dibdib ko sa lahat ng sinabi ni Josh. Alam na alam niya ang nararamdaman ko dahil alam kong ganito rin ang naramdaman niya ng maghiwalay sila ni Sab.

Sab.. wait. Nakipaghiwalay si Sab kay Josh dahil may mali. Mayroong problema. May gusto siyang ayusin. Paano kung ganoon lang din si Ken? Paano kung may problema lang din siya na kailangan niya munang ayusin? Kilala ko si Ken at kahit halos gustong gusto na ng utak kong sumuko sa lahat ng dinaranas ko ngayon, 'yung puso ko patuloy pa rin nakakapit sa kanya.

If this is what he wants, then this is what I'll give hin. Pero alam ko at nararamdaman kong may pag-asa pa kami. Tama. I shouldn't lose hope. In time, when everything is finally in its proper place, we'll be back in each other arms. In time.

Matagal din natahimik ang grupo namin. Ayoko naman na hindi sila mag-enjoy dahil sa nakikisimpatsya sila sa nararamdaman ko. I appreciate it. I really do. Kaya lang ayokong hilahin sila sa drama ng buhay ko.

"So.. what's new sa inyo? Masyado tayong naging busy sa studies. Ano ng balita?"

Sinubukan kong mag-open ng topic para mapagaan ang kwentuhan. Sa simula, halata ang pag-aalangan nilang sagutin ang tanong ko. Parang mga nagkatinginan pa at nagtitimbangan kung sino ang unang magsasalita. Hindi rin naman nagtagal at sinakyan na nila ang pangangamusta ko at nauwi na sa kwentuhan.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon