Yannie’s POV
“Hinahanap ka ni Xander.”
Bungad sa akin ni Zoe pagpasok na pagpasok pa lang niya sa kwarto ko. Baliw talaga ‘yung Xander na ‘yun. Pwede naman na i-text na lang ako papadaanin pa sa iba ang paghahanap niya sa akin.
“Anong sabi?” tanong ko pa kay Zoe.
“Nasaan ka raw ba.”
“Ah. Sana sinabi mo nandito lang ako sa bahay.”
Binatukan niya ako na ikinagulat ko. Aba! Nanahimik ako dito. Mapanakit din talaga ang babaeng ‘to. “Anong trip mo at nangbabatok ka?”
“Hinahanap ka nga ni Xander!”
“Sabihin mo nga nasa bahay lang ako.”
Medyo makulit ang lahi nitong si Zoe. Hindi ko alam kung alin sa salitang ‘nasa bahay lang ako’ ang hindi niya maintindihan.
“Tangi! Nasa baba si Xander. Hinahanap ka!”
Sinisigawan pa ko nito. Kaloka. “Hindi ako ang nagkamali ng intindi. Ikaw ang mali sa pagkakadeliver ng message mo.”
Napakamot na lang siya sa ulo at tumalikod, “Ewan ko sa ‘yo,” saka siya lumabas ng kwarto ko.
Napangiti ako at inayos kahit papaano ang sarili ko saka siya pinuntahan sa baba. Pagbaba ko inabutan ko siyang kumportableng kumportable na nakaupo sa sala. Nakaspread pa ang arms niya sa sandalan ng sofa. Feel at home na palibhasa halos dito na siya tumira.
“Linggong linggo nandito ka.”
“Nice greeting, Ma. Wala bang ‘I miss you’ dyan?”
“Baliw. Lagi naman tayong magkasama.”
“Kahit na ba. Parang ewan ‘to. I miss you lang ipinagkakait pa. Pero joke lang. Nagsimba ka na ba?”
Parang ang hyper ng lalaking ‘to ngayon ha? “Oo. Ikaw?”
“Yep. Kakatapos lang. Kaya nga dumiretsyo ako dito e. Date tayo.”
“Saan?”
Nginitian niya ako nagtaas baba lang ng kilay. Sinampal ko siya ng pabiro at tinawanan, “Hindi cute. Tigilan mo.”
Napailing na lang siya at ihinarap ako sa hagdan saka dahan dahang tinulak paakyat, “Bihis na.”
***
Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano nang dalhin niya ako sa mall. Hindi naman sa nagrereklamo ako kaya lang.. anniversary namin tapos sa mall! Hindi ko nga alam kung naaalala ba niya na anniversary namin ngayon o nakalimutan na niya kasi matagal tagal na rin naman kami. Baka napagod na siya kakabilang ng mga araw na magkasama kami kaya ihininto na niya.
“Okay ka lang ba?” tanong niya habang naglalakad lakad kami sa mall.
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Fiksi RemajaTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)