Zoe’s POV
Ugh. Bakit parang sobrang liwanag? Hindi ko ba napatay ang ilaw ng kwarto ko kagabi o hindi ko nasarado ang kurtina kaya hindi na naharangan ang bintana.
Iminulat ko ang mata ko para masagot ang tanong ko. And then I remember, wala nga pala ako sa kwarto ko. Nag-sleepover nga pala sila dito. Dahan dahan akong umupo at isa-isa ko silang tiningnan. Lahat mga natutulog pa.
Si Xander at Yannie ang nasa pinakadulo. Matutulog na lang sobrang sweet pa rin. Nakahiga sa braso ni Xander si Yannie at yakap yakap naman siya nito. Goodluck sa braso ni Xander paggising niya. Pero sabagay. Hindi ko rin sila masisisi na ganyan sila ka-sweet ngayon. Tinalbugan na ‘yung sweetness nila noon. Na-miss siguro nila ang isa’t isa.
Katabi naman nila Yannie si Sab na sobrang himbing ng tulog. Katabi ni Sab si Josh na nakayakap sa kanya. Napangiti na lang ako. Ang himbing ng tulog nung dalawa. At ever since naging sila ulit, nabawasan na ‘yung bangayan nila. Pero syempre nandun pa rin ‘yun paminsan minsan. But I can see them slowly maturing.
Si Ken naman ang katabi ni Josh. At syempre, kapag sinabi kong si Ken, si Ayu na ang kasunod. Ang cute nilang dalawa. Nakasandal si Ayu sa balikat ni Ken at medyo nakatagilid ang ulo ni Ken. Nakadikit sa ulo ni Ayu. They’re still the same mature couple I know.
Ako na ang katabi ni Ayu at tiningnan ko ang nasa kaliwa ko. Si Ice na nakatagilid at nakaharap sa akin. Tinitigan ko siya. Halos kabisaduhin ko na ang features ng mukha niya. Ang himbing ng tulog niya. Kung paano siya kapag gising siya, ganun din siya ngayon. Ang peaceful niyang tingnan. Pwedeng titigan ko lang siya buong araw.
Masyado akong busy sa pagtitig kay Ice na hindi ko na napansin na nagising na rin pala si Ate Cass, “Picture-an mo pa ‘yan.” sabi niya using her sleepy voice.
Aga-aga nang-aasar agad. Ngumiti na lang ako at umiling. Uupo sana siya pero napabalik siya sa paghiga kasi nakapatong pala yung paa ni Manager Ry sa kanya. Natawa na lang ako at tumayo na nang dahan-dahan. Itinulak niya si Manager at hindi naman siya nagising. Wow. Grabeng matulog.
“Kung sino pinakamatanda siya pinakamagulo.” Nailing niyang sabi nang makatayo. “Good morning nga pala.”
“Good morning, ate.”
“Pahilamos nga muna.” Paalam niya at nagpunta na ng restroom.
Ako naman naghilamos at nagsepilyo rin sa kusina at nang matapos na ay naisipan ko na lang ipaghanda ng almusal ‘yung mga mahihimbing pang natutulog. Nakaharap ako sa sink at nagsasaing ng biglang may humalik sa pisngi ko na ikinagulat ko.
“Good morning.” Nakangiting bati ni Ice.
Damn it! Ilang taon na kami pero bumibilis pa rin tibok ng puso ko kapag nandyan siya. Idagdag pa ‘yung nakakalokang itsyura niya ngayon. Medyo nakapikit pa ang mata at sobrang messy ng buhok niya pero ‘yung klase ng messy hair na mas lalong nagpa-hot sa yelong ‘to. Medyo may patak pa ‘yung tubig sa buhok niya. Binasa niya malamang nung naghilamos siya kanina. Napalunok na lang ako. I am checking him out. Ugh.
Agad akong tumalikod, “Morning.” Bati ko sa kanya habang nakatalikod.
Lumapit siya at tiningnan ang ginagawa ko. “Breakfast?” tanong niya kaya tumango ako.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin kahit nakatalikod ako sa kanya at ipinatong ang chin niya sa shoulder ko. Pero hinayaan ko na lang. Naglalambing na naman malamang ‘tong yelong ‘to.
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Ficção AdolescenteTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)