Sab’s POV
Sa lahat talaga ng kwento, may mga bida at mayroon ding kontrabida. May mga matagal ang exposure, mayroon din namang mga extra. Kung nagbabasa ka lang sa libro, kaya mo pang hulaan kung sino ang bida, o kung sino ang hindi. Mahuhulaan mo pa kung sino ang end game. Kaya lang sa libro lang yun. Kapag sa tunay na buhay, mahirap na.
Akala mo prince charming mo na pero hindi pa pala. Akala mo siya na, hindi pa rin pala. Akala mo hindi mo magugustuhan, pero mali ka na naman pala. Ganyan naman sa tunay na buhay, lahat ng akala mali. Lahat ng akala, hindi totoo.
Bakit ako nagdradrama? Wala lang. Naisip ko lang pagkatapos bumalik ni Tom na napakamapaglaro pala ng tadhana.
Sobrang tagal naghirap, umiyak at naniwala si Yannie sa bagay na hindi naman pala totoo. Akala niya si Tom na pero namatay pa siya. Tapos dumating sa eksena si Xander. Nagawa niyang tibagin yung nakaharang na pader sa puso ni Yannie. Masaya na sila. Kaya lang kung kalian hindi na kailangan, saka pa bumalik si Tom. Nakakaloko. Parang nanandya ang tadhana. Parang nambwibwisit.
“Hoy. Huwag kang feeling seryoso dyan. Making ka na lang kaya sa kwento ko.”
Ayan ang sinasabi ko. Sa bawat istorya, nandyan ang kontrabida. Kung sa storya ng mga kaibigan ko ako ang kontra, pwes, sa istorya ko, itong Bakulaw na Josh na ‘to ang kontrabida at walang ibang ginawa kundi kontrahin ang gusto ko.
“Huwag kang basag trip, Bakulaw. Minsan na lang ako mag-isip kokontrahin mo pa. Solohin mo ang kwento mo at hindi ako interesado.”
“Aray. Nakakasakit ka na, Halimaw ha. Pagkatapos kitang sundan dito sa inyo para hindi mo ko mamiss ganito lang igaganti mo sa akin? Nasaan ang hustisya?!”
“Hustisya? Makukuha natin parehas ang hustisya kapag nanahimik ka.”
Tinulak niya ako ng mahina at saka umakbay, “Why so serious, Sab? Problema mo?”
Napairap ako at tinanggal ang pagkakaakbay niya, “Iniisip ko sila Tom.”
Napatayo siya at tumingin sa akin ng masama, “Akala ko ba si Yannie ang past ni Tom. Si Xander ang karibal niya di ba? Bakit iniisip mo ngayon si Tom?! Huwag mo sabihing –“
“Shut up.” Pagputol ko sa sasabihin niya. Kaartehan talaga ng lalaking ‘to, “Mag-iinarte ka pa. Hindi ganun ‘yun. I mean, iniisip ko lang kung bakit ngayon pang okay na okay na yung dalawa saka pa siya babalik. Parang nang-iinis na hindi mo alam.”
Napatango si Josh at bumalik sa pagkakakbay sa akin, “Nung unang beses natin siyang nakita, pansin ko na nasaktan siya ng malamang walang pakialam si Yannie. Halata sa expression niya. I guess he’s still in love with Yannie. Kaya lang.. ano ba namang magagawa niya. He’s four years late already. Hanap na lang siyang iba.”
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Novela JuvenilTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)