Battle 20

1.2M 25.4K 2.3K
                                    

Ayu's POV

It's sad to know that the things you thought would last forever, end in an instant. It will make you wonder if forever really exists. As for me, I think forever exists in a way that human mind will not understand. There's something deeper about forever.

I was on skype with Ken ng tawagin ako ni Zoe at Yannie para mag-ayang kumain sa labas. Wala ni isa sa amin ang nagluto ng hapunan kaya ang solusyon para dito ay mag-fastfood or restaurant. Problem solved. Piece of cake.

"Nasaan si Sab?" tanong ko sa kanila habang hinihintay nila akong magpaalam kay Ken.

"Kasama si Josh sa baba."

Napangisi ako ng marinig ang pangalan ng magaling kong step brother. Nahiya naman ako sa kanya na hindi na niya nagawang kamustahin ang step sister niya kahit nasa loob lang pala kami ng iisang bahay ngayon.

"Hey, Ken." Balik ko sa cam, "Kain lang kami sa labas. Talk to you later kung hindi ka pa busy?"

"Yes, I'll call you kung hindi ka pa tulog."

"Okay. Bye. I love you."

"I love you, too. Take care, okay?" I nodded and turned the webcom off.

Pag talikod ko, busy sa phone ang magaling kong mga kaibigan. Minsan naisip ko, ito ang cons ng technology ngayon. Kahit may kasama kang iba and actual people, mas pipiliin mo pang humarap sa phone mo para kausapin ang ibang tao which make you forget na may kasama ka at nasisira at supposedly "bonding" niyo ng mga kasama mo.

But then again, narealize ko na without technology, mas magiging mahirap ang sitwasyon namin ni Ken. Mahirap na nga, mas lalo pang hihirap. At ayun naman ang isa sa pros ng technology. It can let you talk to people kahit nasa kabilang parte man sila ng mundo. Parang kahit papaano, nababawasan yung longing mo sa taong yun. You may not be able to touch him, kaya lang, makita o makausap mo lang siya masaya ka na.

But, wait. Remind me again why I'm lecturing about the pros and cons of technology? I'm so weird.

"Get up, guys. Tara na!" Sigaw ko na naging dahilan para bitwan nila ang mga phone nila at tumayo.

"Ayain natin sila Sab at Josh. Baka gutom na mga 'yun."

"Nasa garden ata sila." Sagot ni Zoe sa suggestion ni Yannie.

Papunta na sana kami sa garden pero pagbaba namin ng hagdan, inabutan namin si Sab na nakayuko sa sala, "Saan na si Josh?" Casual na tanong sa kanya ni Zoe. Hindi siya humaharap sa amin kaya nilapitan namin siya at kinalabit only to find her crying.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon