Xander’s POV
“Ha? Anong sinabi mo?”
“Papa-ulit mo pa. Sabi ko nagseselos ako sa inyo ni Tom.”
Wala siyang reaksyon sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi siya nagsasalita. Hindi siya nakasimangot. Hindi siya nakangiti. Pero maya maya ay tumawa na lang siya. Tawa siya ng tawa at halos hindi na siya makahinga kakatawa. Nasaan ang joke sa sinabi ko? Ano ang nakakatawa sa pagseselos ko?
“Nagseselos ako tapos tatawanan mo lang ako? Wow, Yannie. Wow!” sarkastiko kong sabi sa kanya.
Huminto siya pagtawa pero halos maiyak na siya dahil sa pagpipigil niya. Medyo nakakainis na. Ito ako na umaamin na nagseselos na tapos ganiyan lang ang magiging reaksyon niya?
Kaya lang natanggal ang lahat ng inis ko ng unti-unti siyang lumapit sa akin at yumakap. Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko pero ramdam ko pa rin ang pagtawa niya. Ayos na sana e. Kaya lang bakit may tawa na naman?
“Ano ba kasing nakakatawa sa sinabi ko? At wala ka ba talagang balak magsalita? Tatawanan mo lang ba talaga ako?”
“Sorry, I can’t help it. You’re too cute, Da.” Cute? Pang-aso lang ang cute.
Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinisil, “Tigilan mo na pagseselos mo. Sabi ko sa’yo dati di ba nakaraan ko na si Tom. Magkaibigan na lang naman kami ngayon. Ikaw naman kasi parang ewan. Tinanong kita kung okay lang sa’yo kapag nakipagkaibigan ako sa kanya ‘di ba? Pumayag ka naman.”
“Malamang papayag ako. Tinanggap mo na ‘yung alok niyang pagkakaibigan bago mo ako tanungin. Kaya sinabi ko na lang na okay lang.”
“So hindi nga okay sa’yo?”
“Oo, hindi pala ayos ‘yun. Nakakaselos. Badtrip!”
“Sana sinabi mo na ‘yan nung una pa lang. Edi sana nilayuan ko na. Sige, didistansya na ako. Ayun ang gusto mo e.”
Hinila ko siya papalapit at niyakap. Siguro ayos lang naman maging maka sarili kahit sa bagay na ‘to lang. Kahit kay Yannie lang.
I kissed her forehead. It feels really nice knowing she’ll avoid Tom for me. I, too, am willing to do anything for her. But maybe except for one: to let her go. And when I say it, I really mean it. I’ll keep my words.
***
Lumipas pa ang mga araw at napansin ko nga ang pag-iwas ni Yannie kay Tom. Sineryoso niya ang sinabi niya. Aaminin ko, mas napanatag ang loob ko.
Nakatambay kami sa may student’s longue nang umupo sa tabi namin ang dalawa naming ka-block. Ang dalawang kaklase naming babae na medyo may magpaka liberated. Akala ko makiki-upo lang talaga at makikipagkwentuhan pero makiki-usyoso lang pala.
“Yannie, friends kayo ni Tom ‘di ba?” tanong nung isa kay Yannie.
Agad siyang napatingin sa akin, “Uhh, acquaintance. Why?” tanong niya.
“Pansin ko lang kasi one week na siyang wala sa klase. Baka alam mo kung bakit?”
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Teen FictionTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)