Ice’ POV
Hindi ko mapigilan ang mapangiti paggising na paggising ko. Sino ang hindi mapapangiti kung magigising ka na katabi mo ‘yung taong mahal mo?
I am actually looking forward to that day when I’ll wake up beside her every morning. Hindi naman ako nagmamadali. Alam kong masyado pa kaming bata para sa bagay na ‘yun. Basta ang alam ko lang, sigurado ako na siya lang ang babaeng gugustuhin kong makita na katabi ko sa araw-araw.
Dahan dahan kong binend ang braso ko para mas maayos ang pagkakahiga niya saka siya tinitigan. She looks like an angel. I wouldn’t get tired staring at her lovely face. Ang peaceful niyang panuorin.
Abala ako sa panunuod sa kanya habang natutulog nang biglang may nagtulak ng pinto. Iniwan naming bukas ‘yun, utos na rin ng daddy ni Zoe. Pumasok si Ash at agad ko siyang sinenyasan na tumahimik siya at baka magising si Zoe.
“I know you love staring at her pretty face, but just so you know, we’re going to have our breakfast na. Kayo na lang hinihintay. Are you tired or something? You know.. well.. you and Ate Zoe slept under one blanket..”
Nanlaki ang mata ko at gustong gusto ko siya balibagin ng unan kaya lang baka biglaang magising si Zoe at isa pa, lumabas na rin siya bago ko pa man din siya matorture.
Bakit ba minamasama minsan ng mga tao kapag magkatabing natulog ang babae at lalaki? Tabi lang naman ha. Wala namang ginagawa.
Tinanggal ko na lang sa utak ko ‘yung mga naiisip kong iniisip ng mga tao. Hindi naman mahalaga ‘yun, ano pang gagawin ko dun?
Ibinalik ko ang tingin kay Zoe at napangiti na naman ako. Kaya lang dapat nang mag breakfast at ng magkalaman laman naman ‘tong Zoe ko. I kiss her forehead and let my lips stay there for half a minute or less. Nang tingnan ko na siya, unti-unti siyang ngumiti habang nakapikit pa rin. Napakaganda niya talaga.
“Good morning.” Bati ko sa kanya.
“Good morning.” Sagot niya saka kinusot ang mata niya.
Paano niya nagagawang maging ganito ka-cute ng wala man lang ka-effort effort?
“Breakfast na raw. Tara.”
Nagsisimula na silang kumain ng makababa kami ni Zoe. Nang mapansin nila ang presensya namin ay nagsipagtahimikan sila at tumingin. Bakit ganito ang pamilya namin parehas? Medyo baliw.
“Good morning!” sigaw ni Ashley. Gaganti pa nga pala ako sa kanya.
“Sarap ng tulog ha.” Ginatungan pa ng nakangising si Ate Cass.
“Kain na kayo.”
Nagkwentuhan ang mga pamilya namin ng kung anu-ano hanggang matapos kami sa pagkain. Pagkatapos namin ay inaya ako ni Zoe pumunta kila Yannie kaya sumama naman ako. Dirediretsyo siya sa loob at nang makita niya ang mommy ni Yannie ay binati niya agad.
“Good morning, tita!” sigaw ni Zoe sa mommy ni Yannie na nasa may kusina.
“Good morning, Zoe. O, Ice. Nandito ka pala.”
“Good morning po, tita. We’re going to spend the New Year here po.”
“Talaga? Buti pumayag ang magulang mo na hindi ka sumama sa kanila?”
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Teen FictionTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)