Sab’s POV
Dalawang taon na ang nakalipas magbuhat ng makagraduate kami sa Kingdom High. Dalawang taon na rin magbuhat ng pasukin namin ang panibagong mundo dala ng kolehiyo. Dalawang taon na rin ang nakalipas. Dalawang taon na rin akong nasasaktan. Dalawang taon na rin akong umiiyak. Gusto kong ibalik ang panahon noong nagdaang dalawang taon. Ayokong alalahanin ang mga nangyari sa dalawang taon na pinagdaanan ko, pinagdaanan namin.
Ang dating masaya, makulay at maingay na mundo namin ay napalitan ng lungkot at katahimikan. Sinong mag-aakala na ang almost-perfect-lovestory at friendship ay mauuwi sa wala. Babalik lang din pala lahat sa simula. Ang simula kung saan hindi kami magkakakilala.
Si Ice at Zoe? Wala na. Hindi na sila. Ang akala kong seryosong si Ice, hindi rin pala magagawang magseryoso. Papaiyakin at sasaktan lang din si Zoe. Kung kailan mahal na siya ni Zoe, saka lang niya ito iiwan.
Si Xander at Yannie? Nauwi rin sa hiwalayan. Ang akala namin nakalimutan na talaga ni Yannie si Tom pero isang gabi, napaginipan niyo ito at ang lahat feelings na akala niya ay wala na, ay nagsipagbalikan. Nasaktan si Xander ng malaman ito at nagmakaawa kay Yannie na ‘wag siyang iwan pero wala. Iniwan pa rin siya ni Yannie.
Si Ayu at Ken naman, sa hiwalayan din ang punta. Paano, itong si Ken na akala kong pinakamatino sa kanilang lahat, may tinatago palang babae. Nasaktan si Ayu pero pinatawad niya si Ken. Magmukha man daw siyang tanga, ayos lang kasi mahal naman niya. Kaya lang ang minsang panloloko ni Ken ay naulit ng naulit hanggang sa hindi na kinaya ni Ayu at nakipaghiwalay.
At syempre, kami ni Josh.. naghiwalay din sa hindi ko malamang dahilan. Sabi niya makiuso raw kami sa kanilang apat. Pero alam kong hindi iyon ang totoong rason niya. Nakipaghiwalay siya dahil sawa na siya. Ganoon naman talaga dapat ‘di ba.
Ngayon, hindi ko alam kung ano ang gusto kong mangyari. Kung ibalik ‘yung mga panahong mahal pa naman ang isa’t isa o kung bumalik sa panahon kung saan hindi pa namin kilala ang isa’t isa. Kasi kung ganoon, hindi kami magkakasakitan. Hindi kami iiyak. Hindi kami malulungkot at wala kaming pagsisisihan. Pero alam ko naman na hilingin ko man ang dalawang ‘yan, wala rin mangyayari kasi imposible.
Ang pagsasamahan na nabuo dahil sa isang clash, mukhang magtatapos din at mauuwi sa panibagong clash.
Pero syempre, joke lang lahat ng ‘yan. Unang una, masyadong seryoso parang hindi naman ako ang nagsasalita, at pangalawa, ha! Asa pa kayong mabuwag ng ganun ganun lang ang samahan na pinundar namin. Kagatin man ng lahat ng langgam si Ice, habulin man ng lahat ng aso si Xander, mabagsakan man ng lahat ng libro si Ken at tamaan man ng dalawampung kidlat si Josh, parang malabo ng mangyari ‘yan.
Ito ang totoo..
Si Ice at Zoe, going strong. Mas sweet sila ngayon. Mas matured ng mag-isip. O ‘di ba, may napala si Ice sa pagtanggal ng pagkatorpe niya. Siya lang eh, makulit.
Si Xander at Yannie ganun din. Sweet pa rin. Minsan nga nandidiri na ako kay Xander sa sobrang pagkacheesy. Ito namang bruha kong kaibigan mukhang tuwang tuwa pa.
SI Ken at Ayu, ganun pa rin. Sweet. Hindi kasing cheesy nila Xander at Yannie kasi parehas matured mag-isip ang dalawa hindi tulad namin na may mga pagkaisip-bata pa.
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Novela JuvenilTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)