Chapter 2

70 3 3
                                    


CHAPTER 2


Keith

Hindi lang isang beses kaming nagkita ni Raven do'n sa SG office. Kundi naging disaster ang una naming pagkikita. Kaya nga simula no'n naging hobbies na rin yata nya ang mang asar.

**

Sabi ni Abby kailangan namin pumunta sa isang bar na kailangan naming puntahan. Ayoko sanang pumunta do'n dahil for sure maraming mga bastos do'n na hindi na naman kayang hindi lumandi.

"Abby, Kailangan ba talagang pumunta sa ganitong lugar? Alam mo namang ayaw na ayaw ko dito diba?" Kahit ayaw ko umupo na lamang ako sa bar counter. Mas gusto daw kasi nilang umupo do'n.

"Ang KJ mo naman sis. Minsan lang tayo pumunta dito ayaw mo pa?"

"Hindi ako KJ. Kay fine.. " Inirapan ko na lang sya.

"Enjoy ka muna dyan ha?" Tingnan mo yon. Ang lakas ng loob akong isama pero iiwan din naman ako. Hay nako. Ininom ko na lang ang binigay nya sakin na pineapple juice. Kahit kailan talaga ang daming epal dito.

"Hi miss." Eew.

"Mind If I join you?"

"Whatever." Inirapan ko sya.

"Woah.. Interesting."

"Kainis.!" Tumayo na lang ako do'n at iniwan ko yong mukhang unggoy na yon. Paki ko sa kanya? Naglakad na lang ako kahit na ang sikip dahil maraming mga mahilig sumayaw.

"Aray!" Bigla kasing may humila sa'kin ng hindi ko kilala. "Ano ba?!" Hinila ko agad ang kamay ko na hawak ko. "Raven?"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit? Iyo ba 'to? Para pagbawalan mo na akong hindi pumunta dito ha?"

"Fine.. Dun ka na." Tinulak nya ako sa lalaking nakasunod sakin kaya natumba ako sa katawan ng lalaking yon.

"Arrgh!! Bwisit ka!" Nakita kng tumawa sya kaya nong susugod ako sa kanya hinila ako ng lalaking yon. Ng makatayo ako, Ay agad kong sinampal yong mukhang unggoy na yon pati na rin si Raven.

"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ko.

Umalis na lang ako sa lugar na yon at naunang umuwi. Kahit kailang talaga, asungot yong lalaking yon. Humanda talaga sya pag nagkita kami sa school.

**

See? Gano'n ka walang kwenta yong taong yon. Ang kapal ng mukha. Nakakainis sya. Naglakad na lang ako dahil alam kong hindi rin yon maalis sa isip ko.

"Miss." Huminto sya sa harap ko. Hindi ko kilala kung sino ang isang to. Pero sa pag kakatanda ko, Sya yong kasama ni Raven no'n sa bar.

"Anong kailangan mo? Alam mo bang may atraso kayo sa'kin?"

Nagtaka naman sya sa sinabi ko.

"Bakit? Nakalimutan nyo na ba ni Raven ha?"

"Ah!. Ikaw yong sa bar!.. Sorry kung yon yong inasal ni Raven no'n.. "

"Well, hindi.. Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa nya sakin noh."

"Don't worry, hindi na mauulit yon.. And nagbago na si Raven.."

"Hindi ako naniniwala.. Alam kong ganon pa rin sya.."

"Bahala ka.. Oo nga pala. Sabi ni Raven punta ka daw sa SG office.. Ngayon na daw.."

Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon