Chapter 14

12 3 2
                                    


Chapter 14


Hinihintay ko si Abby na matapos ipasa ang ilang school works nya. Kinalikot ko na lamang ang phone ko at nag-backread ako sa mga message. Pero ang hindi ko inaasahan ay yung nagtext sakin si Raven.

Raven: Saan ka ngayon?

Me: Dito lang sa may building B. Sa may college of law. Why?

Raven: Punta ko dyan. okay lang?

Me: ikaw bahala.

Raven: okay. OTW na ko.

Me: weh?

Raven: oo nga. lapit na ko.


Hindi na ako nagreply pa nung huli nyang text. Nagpalingon lingon ako sa paligid dahil baka makita ko na sya. Pero tulad ng inaasahan. Nakita ko syang papalapit dito at saka sya kumaway at ngumiti. Dug dug.

Hala ka! Bakit ako kinabahan? Sht. This is wrong. Mali ito. Maling mali.

"Hi." 

Ayan nga ba sinasabi ko e. Yung ngiti nya talaga yung pinaka gusto ko-este-ayaw kong makita. Nagiging abnormal kasi puso ko.

Puso kalama lang okay? Hindi pa ito yung tamang panahon para magkaganyan ka. Please. Makisama ka.

"Sabi ko Hi." Sht. Ngumiti na naman sya.

"H-huh?"

"Ayos ka lang ba?" 

Hindi! Hindi ako okay! Yang ngiti mo kasi!

"Okay lang.. M-may naalala lang ako"

"Ah.. Nga pala, nag lunch ka na ba?"

"Hindi pa."

"Good. Tara lunch tayo. My treat." Ngumiti ulit sya.

Raven. Pwede bang tigilan mo yang kakangiti mo?

"Pero-"

"Great! Halika na." Wala na akong nagawa ng hatakin nya ako mula sa wrist ko. 

May kuryenteng dumaloy. Sht! Iba na to.



~*~


Dinala nya ako sa isang japanese restaurant. Napakaganda dito, Nakakain na ako sa mga japanese restaurants. Pero ngayon ko lang napuntahan ito.

"Ako na magbabayad ng akin." Pangunguna ko.

"Diba treat ko nga?"

Tapos nung dumating na ang waiter, hindi ako makapili ng io-order kaya sya na ang pumili.

"So. Parang pumayat ka ata." Napatingin ako sa kanya nung sinabi nya yun.

"Hindi ah. Diet lang."

Ako pumayat? E ang lakas ko nga kumain.

"Weh? Ang payat mo kaya. Look at your arm. Ang payat mo kaya."

"Alam mo ikaw. Wag mo na lang pakilaman ako okay?"

"Hahaha! Binibiro lang naman kita. Ang serious mo kasi." Then tumawa ulit sya. First time kong makita na tumawa sya ng ganyan.

Nung dumating na ang order namin, nagsimula na kaming kumain.

"Keith."

"Hmm?" Uminom ako ng tubig pagkatapos.

"Next time let's lunch together."

"Together?"

"I mean, with your friends naman." Ngumiti sya. Pero alam kong sapilitan. Bakit ang defensive nya sa part na yon? "Para maka-bonding ko sila. You know. haha"




Hinatid nya ako sa bahay, since wala na rin naman akong klase kanina. Bumaba na ako ng kotse nya at nung nakababa na ako, binaba nya ang bintana ng kotse.

"Next time ulit." Ngumiti sya. "Lunch tayo ulit." Nagwave sya at saka itinaas ang window at pinatakbo ang kotse nya.

Tayo. Wow. So may kami ba?



~*~


VOTE AND COMMENT

Twitter & Instagram:

@iamailahwattpad

facebook: )

https://www.facebook.com/iamailah.wattpad

Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon