Chapter 12

22 3 0
                                    


Chapter 12


Keith


Sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano ang ibig nyang sabihin kung bakit sya ganun kabait sakin. Knowing na playboy talaga sya. Pero siguro, ganun naman talaga, diba? Kahit ang isang tao na hindi mo inaasahang magbago, magbabago talaga.

"Hoy, babae. Nahihilo ako sayo." reklamo naman ni Abby. "Kanina ka pa pagulong gulong dyan sa kama. Anong meron ha?"

Sinamaan ko ng tingin si Abby at umayos ng upo.

"Wala. May-"

"May gumugulo sayo?.. O baka naman sino ang gumugulo sayo?"

"Alam mo ikaw, magbasa ka na lang dyan."

"Suuus.. If i know iniisip mo nanaman si Raven."

"Hindi nga sabi. Ang kulit." Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Hindi ko nga rin alam kung bakit andito yang bruha na yan sa kwarto ko. Malamang siguro manggugulo. Tss.

"Wag na i-deny!"  sigaw nya bago ako makalabas ng kwarto ko.

"Ewan ko sayo!" 


Bumaba ako at diretso agad ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Hindi ko talaga maisip kung bakit. ang daming tanong na kung ano ano. Arggh! Mababaliw talaga ako kakaisip nun. Bakit nga ba kasi? Tanungin ko kaya sya?


"Baliw ka na nyan." Napalingon ako sa taong yun. Si Abby.

"Sinong matinong tao ang maglalagay ng tubig sa baso na puno na ?" Napatingin ako sa baso at puno na nga ito. 

"Shit!"

"Haay. Look at you now.. Ano ba meron Keith?" tiningnan ko lang sya at kumuha ako ng pamunas para malinis ang nagkalat na tubig.

"I don't know, Abby."

Hinawakan ako ni Abby sa magkabilang balikat. "Tell me, Ano bang gumugulo sayo? Si Raven ba? Si Gerald? Sino? Ano? Just tell me okay? I'm your best friend, Remember?"

Huminga ako ng malalim. "Hindi ko alam. Naguguluhan ako." Kasabay nun ang pagyuko ko at ang pagbitiw ni Abby sa balikat ko.

"Anong hindi mo alam?"

Tiningnan ko sya. "Hindi ko alam kung ano o sino ang gumugulo sakin. Kasi.."

"Kasi ano?"

Naglakad ako papuntang dining at doon umupo.

"I really don't know what to do. Gusto kong alamin kung bakit. Bakit ang bait nya sakin. Bakit ganun na lang sya kung ipagtanggol ako. Diba, ganun natin sya nakilala. Playboy, Mysterious, and then.. Ang bait na nya ngayon."

"Si Raven nga." huminga din sya ng malalim.

"Alam mo, Bakit hindi mo sya tanungin about dyan. Malay mo sabihin nya kung bakit, diba?"

"Pero paano, Paano ko sya tatanungin?"

"Yun yong aalamin natin."

Nagkatinginan na lang kami ni Abby. Paano ko nga ba sya matatanong kung ganito ako kagulo mag isip?


~*~


Nung first subject namin, maagang nagpadismiss ang prof namin. Naisip ko namang kausapin si Raven. Baka this time, matanong ko na sa kanya kung bakit.

Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon