CHAPTER 4
Raven
Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng sarili kong paa dito sa garden. Lumapit na lang ako sa kanya na ngayon ay kasalukuyang nags-strum sya ng gitara nya.
"Practicing?"
Tumingin sya sa'kin saglit at pinagpatuloy nya kung ano ang ginagawa nya. Pero hindi na sya kumakanta. Tinitignan ko lang sya. Hindi na sya umimik at nagtuloy lang sya. Hindi ako sanay na hindi kami ganito sa tuwing magkakasama kami. Lagi kasi kaming nagbabangayan. Naupo na lang ako sa may kabilang swing at dahan dahan ko itong dinuyan.
Napansin ko na parang iba sya ngayon at hindi ang usual na anyo nito. Na may pagka mataray at laging masungit.
"Iwan mo muna ako.." aniya. Tinignan ko sya at sa puntong yon napatingin na rin sya sa'kin at napansin ko na parang kagagaling lang nya sa pag iyak. Bakit hindi ko agad nakita yon kanina? Dahil ba hindi ko rin alam kung ano ang dahilan.?
"Pero.."
"Iwan mo muna ako. Please." Iniwas nya ang tingin nya sa'kin at hindi na ito nag-strum pa ng gitara. "Please lang Raven. Please." Tumayo ako at bago ako umalis ay napayuko sya at tinabi muna nya ang gitara nya sa may paanan nya.
Ng makalayo na ako mula sa kanya ay muli ko syang tinignan. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit sya nagkakaganyan? Pero ang alam ko lang sa ngayon ay hindi sya okay.
Keith
Ng makaalis na si Raven ay dun na ako nagkaron ng chance para ilabas lahat ng mga luhang kanina ko pa gustong ilabas. Bakit ganun ang naging nangyari kina Dad? Hindi ko akalain na itutuloy na nila ang paghihiwalay nila. Pumikit ako at sa puntong yon biglang nag-ring ang phone ko at tumatawag si Kuya.
"Ku-kuya.."
"Keith.." Yong boses ni kuya hindi ko malaman kung naiyak ba sya o hindi.
"Kumusta si Mom?" tanong ko. Hindi ko na hinintay pa na magsalita si kuya at agad kong kinuha ang gitara ko. Kailangan kong umuwi. Hindi ako mapalagay dito.
"Keith andyan ka pa ba?"
"Kuya.. Pauwi na ako.. " agad kong in-end ang call at dali dali akong pumara ng jeep. Ng makarating ako sa bahay nakita kong nakaupo lang si kuya sa may sala habang nakayuko at nakayukom ang mga kamao nito. Kahit alam na namin kung ano ang tunay na gusto nito pero pagdating sa mga ganitong bagay lumalabas ang pagiging kuya nya.
"Kuya.." Nilingon nya ako at agad syang lumapit sa'kin. "Si Mom?" tanong ko. Hindi ko na hinintay pang sumagot si kuya at nagpunta na kami sa room ni Mom. Naka-lock ito agad kong kinuha ang susi ng pinto ng kwarto ni Mom. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin ni Mom pero ang alam lang namin ni kuya sa ngayon ay kailangan kami ni Mom.
**
Hindi na rin ako umiyak pa sa naging hiwalayan nila Mom at Dad. Kahit pa may gig kami ngayon pinilit kong mag-focus pa rin sa pagkanta kahit alam kong baka hindi ko mai-perform ng maayos ang lahat. Pero mali ako dahil naging maganda naman ang takbo ng pagkanta ko.
"Uuwi na ako ah?" paalam ko sa kanila. Hindi na sila umimik kahit ayaw pa nila akong pauwiin dahil may after party pa kami.
"Akala ko ba itittigil mo na agn pagba-banda mo ha?" bungad na tanong sa'kin ni Mom.
BINABASA MO ANG
Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)
RomanceBook 1 of Games Doulogy [COMPLETED || EDITING] All Rights Reserved 2016 Keith Allene del Prado is a loving daughter, thoughtful sister and a good friend. She always had a dream of being a good performer when it comes to singing on a stage with her...