Chapter 1
How can I ever love you, If you still thought that I was playing you all along?
How can I ever love you, If you still holding your past?
How I wish I'm with you.
I know, someday, I'll find a way to make you mine, Again.
This is the pain of winning you back.
~*~
I Love You. I really do. But, I'm not that stupid girl who'll believe in your lies.
You make me believe, that there's nothing to worry about.
This is all my fault, because, I let my heart beats for you.
I let my feelings. And, I let myself fall for you.
How I wish this is a dream. A dream that I would rather want to wake up. Than, to stay, but to make me believe, to make me fall for you.
Will my love enough to believe you?
This is the pain of letting you go.
KEITH
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa sala. Ni-hindi ko na nga nagawang umakyat patungong room ko. Sobra na kasi akong napagod dahil sa gig namin last night. Napakamot na lamang ako ng ulo ng makita ko sa wall clock na pasado alas nueve na ng umaga. Umakyat na lamang ako sa taas upang maligo dahil umpisa na ulit ng bagong yugto ng buhay ko. Ang pagiging buhay estudyante.
"Keith!.... Kaloka ka dear!.." Nanlumo ako ng makita ko si kuya na nakapamaywang nanaman.
"Kuya.. 'Wag ngayon.. Masakit ulo ko.. Kagagaling ko lang sa gig.." Pagrereklamo ko. Alam ko na kasing sesrmonan ako nyan.
"Eeew!.. Don't call me kuya.. It's so kadiri kaya.." Inirapan ko na lang sya. Kung makapag 'eew' akala mo may sakit akong nakakahawa.
"Whatever kuya.. Sige na papasok pa ako.." Tinalikuran ko na lang sya at nagtuloy tuloy na ako sa room ko. Narinig ko pa ang pagmamaktol ni Patrick. Kaya lumabas ako. Nakita kong may hawak pa syang unan at hinahampas hampas pa nya si Kuya Gab.
"Kuya kasi! Wag mo ng asarin yan!" Pa'no ba naman kasi, lagi nyang inaasar si Patrick kaya napipikon sa kanya.
"Hmmpf!... Makababa na nga.." No choice si kuya kundi ang bumaba na lamang. Nilapitan ko si Patrick at binuhat ko sya. Palibhasa kasi kung ituring nila Dad si Patrick akala mo one year old. Samamtalang pitong taong gulang na ito.
"Patrick behave ka na lang ha?" Tumango tango na lang sya. "Halika nga.." Dinala ko na lang sya sa harap ng T.V at nilipat ko sa cartoons. "Watch ka na lang ng cartoons okay?" Hindi nya ako pinansin at nanuod na lamang sya.
"Kuya!" Nakita kong humahagikgik si kuya sa may sulok habang may kausap sa phone. Ang sakit sa ulo ng ku-este Ate ko! Hay. "Kuya ano ba! Late na ako eh!" Sinigawan ko na lang sya.
"Hoy! babaitang walang love-life wag mo kong sinisigawan ha.. Mas matanda pa rin ako sayo nuh! Hmmpf!.."
Aba't! Kailangang i-provoke na wala akong love life ha?!
"Kasi naman kung makatawa ka dyan, akala mo kinikiliti ka eh.. Ikaw na ang bahala kay Patrick.. Papasok pa ako eh.. Hindi pa nga ako nakabihis eh." sabi ko. "At wag ka ng lumandi.. Baka may BUKING ka na naman.."
BINABASA MO ANG
Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)
RomanceBook 1 of Games Doulogy [COMPLETED || EDITING] All Rights Reserved 2016 Keith Allene del Prado is a loving daughter, thoughtful sister and a good friend. She always had a dream of being a good performer when it comes to singing on a stage with her...