Chapter 26

15 2 0
                                    


Chapter 26


Masaya ang unang mga araw namin as officially couple. Masaya at para bang wala nang bukas.


"Gusto mo bang kumain?" aniya. Umiling lang ako at tinuloy ang pagbabasa ng libro.


"Keith,"


"Hmm?"


"Andito ka nga pero wala naman ang isip mo,"


"Busy lang kasi ako, look, may tatapusin pa akong isang lesson para mamaya. Intindihin mo naman.." aniya ko.


"Alam ko naman 'yon. Alam kong parehas tayong busy."


Ibinaba  ko ang librong hawak ko at tinignan siya.


"Okay, sorry. " aniya ko. Nakita ko ang pag buntong hininga niya. "Alam ko naman na busy ka at busy ako. Pero, hindi kasi sa lahat ng oras kailangan lagi tayong magkasamaㅡ"


"Okay! Hindi muna kita guguluhin ngayong busy ka." Nagulat ako sa pag taas ng boses niya sa akin.


"Hindi mo naman kailangang sumigaw. Nag uusap tayo ng maayos dito, oh. Inaayos ko na nga dahil alam kong sa susunod na arawㅡ"


"Okay sige, 'Wag muna tayo mag usap kung ganito lang na mag aaway tayo." Bumagsak ang balikat ko dahil hindi na niya ako panakinggan.


Pinanuod ko na lang siyang lumalakad palayo sa kina uupuan ko.


Sa buhay talaga, minsan hindi mo masasabing magpapatuloy lang ang saya sa takbo ng bawat oras.


Napasandal na lang ako at hindi ko na naituloy ang pagre-review para mamaya. Hindi ko maintindihan, bakit hindi niya nagawang pakinggan ang mga sinasabi ko kanina? Bakit parang ako pa ang masama, dahil ba sa hindi ko na siya nabibigyan ng oras nitong huli? Hind ko na alam.


~*~


Kanina ko iniisip kung pupuntahan ko ba siya sa org na sinalihan niyang muli, hindi ko alam kung bakit siya nag quit sa org na kung saan parehas kaming naroon.


Naging mabagal ang paglalakad ko habang dala ko ang dalawang libro. Palabas na rin naman ako ng university, kaya madali lang ang paglalakad ko patungong gate. Usually, sabay kaming nauwi ni Raven, pero ito ang unang araw na ako lang ang uuwi mag isa.


Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman ko na parang may sumusunod sa akin. Lumingon ako sa aking likuran.


"Gerald, ikaw pala 'yan." Huminto siya at ganun din ako.


"Mag isa ka ngayon, ah. Saan si Raven?" Kumunot ang noo niya dahil sa hindi ko pag sagot sa kanya.


"Nag away kami," nagsimula na rin akong maglakad at sumabay na siya.


"Ha? Bakit? Ano'ng pinag awayan niyo?"


"Oras," maikli kong sabi.


Nagkatinginan na lamang kaming dalawa. At nagpatuloy na lang sa paglalakad, wala na ni isa sa amin ang nagsalita pa.


Kausapin ko na lang siya, pero kapag ayaw pa niya akong pakinggan, ewan na lang. Kailangan ko na sigurong i-manage ang oras ko dahil sa relasyong meron kami ngayon ni Raven, oras ang isa naming magiging problema.


Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon