Chapter 15

23 3 1
                                    


Chapter 15


Gabi na pero sadyang, hindi pa rin maalis sa isip ko yung mga nangyari kanina. The way he acts. And everything. Nakipagtitigan na lamang ako sa ceiling. Hanggang ngayon sobra pa rin akong naco-confuse kung ano ba talaga yung pinapakita nya.

Could it be? No. No. Hindi e. Malay lang natin na mabait na talaga sya? Pero- Aish!

Sinampal sampal ko ng mahina ang pisngi ko.

"Hindi talaga e."

"Para kang baliw." Nadako ang tingin ko sa pinto, nakatayo dun si Kuya na may hawak na mug.

"Kuya! Hindi ka ba marunong kumatok?" Kuminot ang noo nya dahil sa sinabi ko. Inilapag nya muna ang mug nya sa may study table ko.

"Aber! Kanina pa kaya ako kumakatok. E kaya naman pala walang sumasagot kasi kausap mo na naman 'yang sarili mo." Lumapit si kuya sakin at tumabi.

"Ano ba kasing kailangan mo kuya?" Kinuha ko 'yong throw pillow ko na spongebob saka ko niyakap.

"Wala naman. Kanina ko pa kasi napapansin na parang lutang ka." Tinignan ko sya saglit saka ako sumandal sa may head board ng kama ko.

"Wala nga kuya. Iniisip ko lang yung thesis namin."

Tinignan nya ako na para bang hindi sya naniniwalang thesis 'yong iniisip ko.

"Thesis nga kasi! Lumabas ka na nga dun!" tinulak tulak ko sya para makalabas na sya ng room ko.

"Defensive mo! Wala nga akong sinasabi. Ang sabihin mo, iniisip mo yong Raven." Hindi ko na lang pinansin yung sinabi nya at agad kong ni-lock yung pinto pagkalabas nya.

Kahit kailan talaga, pa-epal si kuya.

Hindi pa ako nakakaupo, nag ring na agad yung phone ko. May text na mula kay Raven. Parang kanina lang naiisip ko yong nangyari then, now?


From: Raven

Still up? Pede ba kita tawagan? :)

Keith: Yup.


Pagka-send ko, nag ring na agad yung phone ko, senyales na tumatawag na sya. Nang mapindot ko na yung answer button, naupo na ako sa kama ko.


"Akala ko tulog ka na e."

"Ah hindi pa naman, may.. ginagawa kasi ako." Palusot ko. Ano bang ginagawa ko? E samantalang, iniisip ko lang naman sya kanina.

"Anong ginagawa mo ngayon?"

"Kausap ka." Narinig ko ang pagtawa nya ng mahina.

"I know. Bukod sa kausap mo ako, ano pa?"

"Hmm.. Wala naman." Humiga ako then later on I found myself smiling from ear to ear.

"Hey, still there?"

"Oo may.. May dumaang butiki e." Kahit wala naman? Makisama ka na nga! Ang KJ mo talaga!

"Akala ko kasi tinulugan mo na ako e."  Nagsasalita pa sya pero hindi ko na naintindihan dahil napapapikt na ako. 

Mga ilang sandali pa kami nag usap ni Raven hanggang sa nakaramdam ako ng antok. 

"Gusto ko ganito lang tayo. Sana nga hindi na matapos yong ganito. Sana Keith, matanggap mo yong dahilan ko."

"Gising ka pa ba? Keith?"

"Tinulugan mo na yata ako. Good night then Keith. Sleep well.. and.. I'm sorry.. I hope you forgive me,"

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at talagang natulugan ko na pala si Raven.


~*~

Halaa! Keep safe guys! Always pray,. <3

thank you na rin. Lalo na sa mga nagbasa ng TPWH(the problem with him) selemet :* <3

@iamailahwattpad sa twitter & instagram 

Fb: facebook.com/iamailah.wattpad

mwah mwah :*

Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon