Chapter 27

12 2 0
                                    


Chapter 27


Kanina pa ako palakad-lakad patungo sa open field ng university. Dala ang aking mga libro. Wala na rin naman akong gagawin ngayong araw dahil tapos na ang iilang mga gagawin sa isang subject ko.

Yumuko ako nang matapakan ko ang isang tuyong dahon. Hindi naman masyadong mainit dahil hapon na rin. Sa aking paglalakad ay umihip ang panghapong hangin.

Saglit akong napapikit nang madama ko ang hangin. Sa pagdilat ko ulit ng mata nahagip ng ko si Raven sa kabilang dulo ng field. Nakaupo at nakaharap sa kanya ang isang babae.

Nagtigilan ako nang makita kong ngumiti sa babae si Raven. Parang umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo ko.

Walang pag aalinlangan akong naglakad papalapit sa kanila.

Nagtama ang mga mata namin ni Raven. His eyes were to strong to hold on to his stare. Napaiwas ako nang tingin.

'Wag na lang kaya ako magpatuloy? Tutal, busy naman siya sa babaeng kausap niya. Lumiko ako ng daan at hindi na nagpatuloy pa.

Ngunit bago ako makalayo sa kanila, isang marahang paghawak sa aking palapulsuhan ang dahilan kaya ako napahinto.

Tiningnan ko ang kamay na iyon.

Alam ko na kung kaninong kamay 'yon.

Inangat ko ang aking tingin sa kanya.

His eyes were pleading and saying that this is not the time to go.

"Baby," His voice was husky.

At ito ang unang pagkakataon na tinawag niya akong Baby.

"Let's talk," he said.

Nanatili ang mga mata ko sa kanyang mga mata at bumaba iyon sa kanyang kamay na nakahawak sa akin.

"Aren't you busy?" I sound like a bitter.

Unti-unting napalitan ang kanyang labi ng ngiti.

"Doon ka muna busy ka naman-"

Hinila niya ako palapit sa kanya at pumalupot ang kamay niya sa aking baywang.

"Rav, we're in school grounds,"

"I don't care, then. Baby, let's talk. I miss you.." Pinagpahinga niya ang kanyang baba sa aking balikat.

Naugat ako sa kinatatayuan ko.

I sighed heavily.

"Okay, mag uusap tayo, pero 'wag dito,"

Lumayo siya sa akin at tiningnan ako gamit ang mapupungay na mata.

Hinagilap niya ang aking kamay at pinagsalikop niya ang aming mga daliri. Nagpatianod ako sa kanyang hila.


Nakaupo siya sa unahan ng kanyang sasakyan. Malapad na nakabukas ang pinto ng front seat. Nakatayo ako sa labas at siya ay nakaupo habang hawak ang magkabila kong kamay.

"Sorry," paunang sabi ko.

Bumaba ang tingin ko sa kamay naming dalawa.

He sighed.

"I'm sorry, too. Hindi dapat ako nagalit nang ganoon." aniya at pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Ako dapat mag-sorry, hindi ko inisip ang-"

"It doesn't matter now,"

"Huh?"

Umangat ang tingin niya sa aking mata pababa ng aking labi.

Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon