Chapter 5

36 4 0
                                    


Chapter 5


Keith


Ilang linggo na rin ang nakalipas pero ni isa wala na akong natanggap ng text mula sa kanya. Hindi ko na lang pinansin pa kung ano ang nangyari sa kanya. Sinara ko na lang ang libro na hawak ko. Sinandal ko na lang ang likod ko sa sandalan at tumingala ako upang mapagmasdan ko ang langit. Napakaganda, lalo na ang mga hugis ng ulap. Huminga ako ng malalim at napansin ko na may tumabi sa'kin.

"Malalim ka pala mag-isip." Tinignan ko ang taong yun. Ngumiti sya sakin at hindi sa usual na anyo nito sa tuwing magkikita kaming dalawa.

"Minsan mas makakapag-isip ka ng malalim, pag mag isa ka." sabi ko habang nakatingin sa paligid.

"Kaya pala.." tugon nya. Tinignan ko sya at nakita kong nakatingin rin ito sa'kin.

"Sorry nga pala." sabi ko at agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

"Para saan?" tanong nya. Napatingin na lang ako sa baba habang hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko dahil masyado akong naguguluhan nun.

"Nung time na nakita mo ako sa may garden." sagot ko. Pero nanatili lang akong hindi nakatingin sa kanya.

"Ahh.. Wala yun.." sagot nya. "Nga pala.. Malapit na yung campus fair.. Nakapaghanda ka na ba?" tanong nya kaya naman this time nilingon ko na ito.

"Oo.." sagot ko. "Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko, kaya baka.."

"Baka hindi ka matuloy?" saad nya. Tinignan ko na ito ng mata sa mata. Nakikita kong naghahanap sya ng sagot sa tanong nya.

"Hindi ko sure." Hindi ko na ito nilingon pero pakiramdam ko nakatingin pa rin ito sa'kin. Hindi ko alam pero parang iba yong mga tingin nya sa'kin hindi ko alam kung ano ba.

"Kaya mo yan.. Nakikita ko naman na sinisikap mo lahat."

"Anong..." Napatingin na ako sa kanya at hindi nga ako nagkakamali, nakatingin nga ito sa'kin.

"Ibig kong sabihin?.." Huminga sya ng malalim. Kahit hindi nya ipahalata, napansin ko pa'rin yun. "Well, Hindi naman masama kung mag-quit ka sa ibang bagay na talagang hindi mo na kaya.. " Tumingin sya sa paligid pero ako nanatili akong nakatingin sa kanya. "Pero kung talagang nahihirapan ka na.. Bakit hindi mo subukan.. Kasi naniniwala ako na, Pag gusto mo ang isang bagay.. Hindi mo sya susukuan... Pero minsan... pag hindi mo na gusto ang bagay yun.. Walang masama kung bumitaw.." Tumingin sya sa'kin. "Pag binitiwan mo ang isang bagay... At mawala yun sa'yo... Maghihintay ka na lang.. Kung kailan sya ulit babalik sa'yo.." sabi nya. Ilang minuto akong nakatingin sa kanya at ganun din naman sya sa'kin.

"Tss.. Hindi ko alam na magaling ka pala magbigay ng advice ha?" Bahagya syang tumawa dahil sa naging sagot ko.

"Hindi naman sa ganun." Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at huminga ako ng malalim.

"Sure ka na bang hindi ka magp-perform?" tanong nito. Tinignan ko sya at ngumiti ako sa kanya dahilan upang mapangiti na rin sya.

"Alam mo may alam akong magandang puntahan.." Pag iwas ko sa tanong nya. Sana lang hindi nya nahalata yun. Dahil sa totoo lang ayokong pag usapan ang isang bagay na alam kong wala akong tiyak na kasagutan sa bagay na yun. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. "Gusto mo bang malaman kung saan yun?" tanong ko. Tinitigan lang nya ako dahil sa pag iiba ko ng usapan. Ngumiti ako sa kanya baka sakaling pumayag sya.

"Sige.. Gusto kong malaman kung saan yan."

"Then, Let's go." tugon ko saka ako nagsimulang maglakad.

Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon