Chapter 32
Simula nang magkaayos kaming dalawa ni Raven ay naging smooth na ang lahat. Kahit may kaunting takot ako sa nangyari ay alam kong sobra niya akong mahal kaya alam ko rin na hindi na muling mauulit iyon.
Habang naglalakad ako sa school grounds patungong field kung saan kami magkikita ni Raven.
Nang magkaayos kaming dalawa aya hindi nagkulang si Raven sa pagiging sweet kung minsan. Kahit minsan ay nagagawa kong tawanan siya dahil hindi ko naimagine ang isang tulad niya ay ganoon ang kayang gawin.
Hindi nakatakas sa aking labi ang ngiti nang isang beses niya akong sinurprise. At ngayong malapit na rin ang aking birthday.
"Rav."
Ngiti agad ang sumalubong sa akin. Huminto ako sa kanyang harapan. Sa tabi niya ang tatlong tangkay ng rosas.
"For you," Iniabot niya sa akin ang tatlong rosas. Ngumuso ako. Pinipigilang ngumiti. "It means, I love you." Ngumiti siya.
"Sus." Hindi na nakawala ang mumunting tawa sa akin. "Corny mo, 'no? Corny." Muli akong tumawa. Halos mapatili ako nang hapitin niya ako sa aking baywang.
"Ako? Corny, huh?"
Muli akong ngumuso.
Ipinatong ko ang aking mga kamay sa kanyang balikat. Sinundan niya ng tingin ang aking kamay na nagpapahinga sa kanyang balikat.
Muli niyang ibinalik ang kanyang tingin sa akin.
"Oo. Corny ka."
Kinuha niya ang aking mga kamay sa kaniyang balikat at hinawakan iyon.
"Malapit na pala birthday mo." aniya.
Kumurap-kurap ako.
"Alam mo?"
"Uh-huh."
Hinila niya ako at pinaupo sa kanyang tabi. Inayos niya ang iilang takas na buhok at inilagay ito sa likod ng aking tainga.
"Dapat hindi ka mawala sa birthday ko. Kahit hindi ka na magregalo. Okay na sa akin yung ikaw."
"Talaga ba?" Tumaas ang kaniyang kilay.
"Oo. Okay na sa akin yung ikaw."
"Corny ka rin pala, eh." aniya.
Hinampas ko siya sa kaniyang braso.
"Hindi, ah." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay at ipinatong ko ito sa kanyang hita. Muli siyang sumulyap sa kamay kong nasa hita niya.
"Oo nga pala, next week may gig kami. Gusto mong manuod?" tanong ko.
Tumango siya.
"Bibigyan kita ng free pass." aniya ko.
"Kahit hindi na,"
"Bakit?" tanong ko. "You don't want to watch me perform?"
Pinitik niya ang tungki ng aking ilong. Sumimangot ako.
"Of course I'd love to." Tumingin siya sa aking labi. "Stop pouting, or else I'll might kiss you."
"Okay." Nakangusong sabi ko.
"I said stop pouting." Mariin niyang sinabi. Hindi parin naaalis ang tingin sa aking labi. Nag iwas ako ng tingin.
Kinagat ko ang aking pang ibabang labi.
"Let's go home." aniya. Mabilis akong napalingon sa kaniya.
"H-huh?"
He only smirked.
Tumayo siya at hinila ako patayo. Hinawakan niya ang aking kamay at pinasalikop niya ang aming mag daliri.
Palihim akong nangiti. Sa mga ganitong gesture niya ay natutuwa ako.
Ang akala ko ay ihahatid niya ako pauwi pero nanatili lang kami ng ilang sandali sa loob ng kaniyang sasakyan.
"Ang akala ko ba ay uuwi na tayo?" tanong ko. Sumulyap ako sa kaniya.
Tumingin siya sa akin. Namumungay ang kanyang mga mata nang bumaba ang tingin niya sa aking labi.
Don't tell me he want to kiss me?! Oh my god, Keith! Ano 'yang iniisip mo?
"W-well, ang akala ko kasi." I fakely cough.
"Alright. Iuuwi na kita." He huskyly said.
Ikinabit ko ang aking seatbelts ganoon rin ang kanyang ginawa at pinaandar na ang makina ng sasakyan.
Habang nagmamneho siya ay naisipan kong buksan ang stereo ng kanyang sasakyan.
"You want to watch movie?" Lumingon ako sa kanya.
"Mamaya?"
Saglit siyang sumulyap sa akin at ibinalik ang tingin sa daan.
"Yaeh. Pagdating natin."
"Okay."
Sumasabay ako sa kantang tumutugtog sa stereo.
"I really like your voice." aniya. Tumigil ako sa pagkanta at sumulyap sa kanya.
Nang makarating na kami sa bahay ay umupo muna siya sa sofa. Walang ibang naroon sa bahay kundi si Patrick na naglalaro ng Xbox.
Niyaya niya si Raven na maglaro sila nito.
"Rav," Lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi. Sumulyap ang kapatid ko sa ami at itinuloy ang paglalaro.
"Maghahanda lang ako ng meryenda."
"Okay." Hindi na siya sumulyap sa akin at pumunta na ako sa kusina para mgahanda ng meryenda.
Nang matapos ako ay bumalik ako sa sala. Nagtatawanan silang dalawa dahil sa natalo ni Raven si Patrick.
"Ang daya mo Kuya." Sumimangot si Patrick.
Pinanood ko silang dalawa at pagkatapos ay lumapit sa akin si Raven. Nakangiti itong lumapit at naupo sa aking tabi.
Ipinagpahinga niya ang kanyang ulo sa aking balikat. His hands rested on my thighs.
Tiningnan ko siya at nanatili ang tingin kay Patrick na mag isang naglalaro. Ipinatong ko ang aking kamay sa kaniyang kamay na nakapatong sa aking hita.
I really love this man beside me kahit may mga iilang pagsubok ang hindi namin inaasahang mangyari.
BINABASA MO ANG
Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)
RomanceBook 1 of Games Doulogy [COMPLETED || EDITING] All Rights Reserved 2016 Keith Allene del Prado is a loving daughter, thoughtful sister and a good friend. She always had a dream of being a good performer when it comes to singing on a stage with her...