Chapter 8

22 3 0
                                    


Chapter 8


Keith


"Ano bang mukha yan?" Hindi ko pinansin si Abby matapos syang makaupo sa tabi ko. Pinatong ko ang mga braso ko sa table saka ako huminga ng malalim. Tinignan ko sya na ngayon ay kumakain ng chips. Kahit kailan talaga 'to, ang hilig sa chips.

"Ay naku.. Sumasakit ulo ko sa kanilang lahat.." tinignan ko sya tapos inalok nya ako pero tumanggi ako.

"Ang haba naman kasi ng hair mo girl.." Kumento nya. Inirapan ko na lang sya. "Kasi naman," Binaba nya ang chips nya sa table saka nagpunas ng bibig. "Ganito girl ha," Tinignan ko lang sya. "Obvious naman kasi na.. Na-selos yun.."

"Ha?"

"Hay.. Ang slow ha?"

"Pwede ba.. Linawin mo nga.."

"Ganito.. Diba nga bigla na lang nagkaganun si Patrick kanina?" Ngumiti sya saka nag-patuloy. "Hindi kaya may HD sayo si Patrick?"

"Gagi! Anong HD ka dyan?.. Nagtampo lang yun," Sumandal na ako at hindi na lang ako sumagot pa.

"Sigurado ka?" Tinignan ko sya ng masama.

"O-oo nga!"

"Ows?. Hindi ako naniniwala na walang Gusto sayo yun."

"Alam mo ikaw, Kung mag-review ka na lang kaya," Kinuha ko ang bag ko saka ako tumayo.

Narinig ko pang nagsalita sya.

May gusto sya sakin? Ay! Keith! Relax okay? Wala lang yun. Baka nagtampo lang yun. Tama, Nagtampo lang yun.. Nag-

"Aray!" Bakit ba ang malas ng araw ko ngayon? Bakit ba lagi na lang akong may nabubunggo?

"You okay?" Inangat ko ang ulo ko, saka ko na-realize na si Raven na naman ang nabunggo ko.

"Sorry," mahinang sabi ko. Saka ako naglakad pero, mabagal na lang ako maglakad. Tinatamad na rin ako, kaya paglabas ko ng university, agad akong pumara ng masasakyan. Kung dati, hinahatid ako, ngayon iba na. Iba na talaga. Pagdating ko sa bahay naroon na si Patrick, Napansin ko lang.. Parehas sila ng pangalan ng kapatid ko. Kaya nga pala Pat ang tinatawag ko sa kanya.

"Ate, Okay ka lang?" Tanong ni Patrick.

"Ha?"

"Si Ate talaga bingi.." saka naman nag-pout si Patrick. "Para kasing malungkot ka e."

"Okay lang si Ate, Sige na play ka na lang dun." Ngumiti na lang sya saka nagtatakbo papunta sa mga toys nya. Umakyat na ako sa kwarto ko. Nakakainis lang kasi, halos lahat sila hindi ko makausap ng matino. Pagkatapos kong magpalit at kinuha ko ang phone ko at tumambay ako sa terrace ko. Sa tapat ng kwarto ko, magkatapat lang kasi kami ng room. May isang lalaki akong nakita sa may terrace din ata nya, Nakaupo sya habang may hawak syang sketch pad.

Nung napatingin sya sakin, napaiwas agad ako ng tingin. At nagkunwari akong may kinakalikot sa phone ko. Shocks! Nakita kaya nya ako? Nakita kaya nyang tinitignan ko sya? OhMy!

Biglang nag-ring ang phone ko, pero hindi naka-save ang number nun sakin, kaya lang nung tinignan ko yung lalaki kanina. Nakatingin sya sakin. Nakita kaya nya yun? Umiwas ako ng tingin at tumayo ako para pumasok sa loob at sinara ko na ang pinto ng terrace ko.

Nung hinawi ko ang kurtina ko, nakita ko syang nag aayos na ng gamit nya. Sino ba yun?..

Lumakad na ako mula sa bintana ko at naupo na lang sa kama ko. Iniisip ko pa rin kung bakit halos lahat ng mga tao na lang hindi ko makausap ng maayos. Ano bang problema? Tumayo ako uli at bumalik ako sa kung saan ako nakaupo kanina. Sa terrace. At wala na nga yung lalaki kanina, mukhang umalis na sya.

Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon