Chapter 33

13 2 0
                                    


Chapter 33

Nang dumating ang araw ng aming gig ay tinawagan ko si Raven para maaga siyang makakapunta a tamang oaras.

"Rav,"

"Hmm?"

"Sorry. Did I wake you up?" I asked.

"Hindi naman."

"Alright. Inform lang kita Rav mamaya ha?"

"Oh, Your gig."

"Yup, Asahan kita mamaya."

"Puntahan kita diyan sa inyo." Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"So, kagigising mo lang? Hala, Rav, Sorry nagising ba kita?" I pouted.

Narinig ko ang mumunting halakhak niya.

"I imagined you pouting right now." Hindi maitatago ang tuwa sa kanyang boses kahit medyo husky ito.

"Hala! Paano mo nalaman?" I pouted again. "Maliligo ka na? Sige, kita na lang tayo sa bahay."

"Wait up. Huwag mo munang ibaba. I wanna talk to you."

Ngumuso ako pero hindi na rin nakatakas ang ngiti sa aking labi.

"Uh. O-okay."

"May gagawin ka ba?" tanong niya.

"Wala naman. Just some preparations. Bakit? Miss mo na agad ako?" Tumawa ako. Narinig ko ang halakhak niya. "Pinagtatawanan mo ako, eh." Ngumuso ako.

"Yeah. I already miss you."

"Eh, Rav naman eh."

"Bakit?" Nahuhulaan kong nakangiti si Raven ngayon.

"Wala. Sige na. I'll see you later."

"Alright. I love you."

"I love you, too." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.

"I love you more."

Pagkatapos nang pag uusap namin ni Raven ay nagsimula na rin ako sa pag aayos at mga kaunting rehearsal para mamaya.

Nang matapos ako sa pag aayos at kaunting rehearsal ay nagbihis na rin ako dahil alam kong papunta na rin si Raven. Dalawang oras na lang ang natitira bago ang aming gig.

"Ate! Nand'yan na si Kuya! Bumaba ka na!" Narinig ko ang sigaw ni Patrick sa ibaba.

"Boyfriend mo, nand'yan na." sabi ni Kuya Gab. Nilagpasan lang niya ako at pumasaok na sa kanyang kuwarto.

Minsan talaga si Kuya Gab, hindi ko maintindihan kung seryoso o kung parang galit.

Bumaba na ako ng hagdan at naabutan ko si Raven na kausap si Patrick. Naka-kandong si Patrick kay Raven at may pinapanood sila sa tablet ni Patrick.

Umangat ang tingin ni Raven sa akin.

Para akong lumulutang nang naglalakad ako papunta sa kanila. Hindi inalis ni Raven ang tingin sa akin.

Sumulyap sa akin si Patrick at nagpatuloy sa panonood.

"Pat."

"Bakit, Ate?" Naupo ako sa tabi ni Raven. Hinawakan ko ang kamay ni Patrick nang sumulyap siya sa akin. Bumaba siya sa pagkakaupo sa hita ni Raven at umupo sa kabilang sofa. Nagpatuloy siya sa panonood.

Sumulyap sa akin si Raven. I rested my hand on his thighs.

"I'll just prepare my guitar." aniya ko. Tumango siya at tumayo. Tumayo ako at naglakad an kami papuntang itaas para kunin ang aking gitara.

Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon