Chapter 21

15 2 0
                                    


Chapter 21



Keith

Bawat araw na magkikita kami ni Raven. Lalo akong nae-excite. Yung pakiramdam na parang ang layo layo nya sakin kahit na ang lapit lang. Yung pakiramdam na lagi ko syang gustong makita. Ganun na ganun ang pakiramdam ko pero ano nga bang magagawa ko, kung sa araw araw na magkikita kami at magkakasama, hindi nangyayari ang gusto ko.

Merong minsan na gusto ko pa syang makasama at makausap ng matagal pero hindi mangyari dahil sa dami ng ginagawa nya. Kaunting pag uusap lang kailangan na nyang umalis.

Pero ganun pa man, hindi pa rin maaalis sakin na isipin, ano nga ba kami? What are we? Friends? Or What?

Ang dami rin nagtatanong even si Abby, tinatanong nya kung ano nga bang status namin ni Raven sa ngayon.

Nakaupo lang ako dito sa may vacant table habang kumakain ako ng sandwhich at nagbabasa ng lesson para sa account recievable. Nakaka-stress na nga ito idagdag pa ang pagiging stress ko sa nararamdaman ko ngayon. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pagbabasa dahil iniisip ko pa rin kung ano ba talaga ito?

Ibinaba ko muna ang sandwhich at itinigil ko ang pagbabasa kahit na alam kong hindi naman ako nagbabasa ng maayos.

In-love na ba ako sa kanya? O In-love lang ako sa idea na may isang taong nagke-care para sakin?

Ano ba talaga Keith? Linawin mo para hindi ka mahirapan sa huli. In-love ka na ba talaga?

"Kei,"

"Ay In-love!" Napahinga ako ng malalim dahil sa pangugulat ni Raven sa'kin. Ngumiti ito sakin saka sya tumabi.

"Anong In-love?" Kunot noo nyang tanong.

"H-huh?. W-wala. Ano kasi.. Yung ano. Yung sa Korean drama yun. Oo yun nga."

"Ahh." Ngumiti ito sakin.

"Ang lalim ata ng iniisip mo ah?" Tinignan ko sya. Sumaandal na lang ako at saka nagsalita.

"Ah. Wala. May iniisip lang ako kanina."

"Ano naman iyon?" Tanong nya. Napatingin tuloy ako sa kanya dahil sa bigla nyang pagtatanong. "Confidential ba? Sige wag mo na lang sabihin." Palihim akong ngumiti dahil nasense na agad nya na ayaw kong sabihin sa kanya na sya ang iniisip ko.

"May ibibigay pala ako sayo." Tinignan ko sya. May kinuha sya sa bag nya, isa iyong invitation. Dahil sa itsura palang nito mukha na syang invitation.

"Punta ka sa saturday. Sa place na yan, birthday kasi ng kuya ko. Since.. We're friends naman kaya ininvite na kita."

"Huh? Ah e kasi-"

"Bawal kang humindi." Then tumayo sya. "See tou there." Saka sya ngumiti at nag wave paalis.

Bwisit. Hindi na talaga ako makahindi pag sya na ang nag aya..


~*~


Naglalakad ako pauwi ng bahay at hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung tutuloy ba ako o hindi sa party ng kapatid ni Raven. Iniisip ko kasi kung paano kung hindi pala mutual ang feelings namin ni Raven? Na ako lang pala itong unti unti na syang nagugustuhan or should I say mahal ko na sya?

Naguguluhan ako. Sobrang gulo.

"Ay tipaklong!" Hinid ko namalayan napatid na pala ako ng isang bato. Pagtingin ko sa kaliwang paa ko, may sugat na ito. Masakit.

"Hindi ka kasi nag iingat." Napaangat ang ulo ko sa taong iyon.

"Gerald?" Nagulat. Oo nagulat ako. Alangan namang umiyak ako diba?

"Hindi ka ba masaya?" Bigla ko na syang niyakap agad. Sobrang na-miss ko rin sya at talagang nagpa-miss ang loko. Dahil dalawang bese lang syang tumawag.

"Loko ka hindi ka na tumawag!" Pinaghahampas ko ang braso nya.

Hinawakan nya ang mga kamay ko saka ako ulit niyakap. "I really miss you so much. Kelly." Na-miss ko rin ang pagtawag nya sakin ng Kelly. Kahit minsan lang nya akong tawagin ng Kelly, but still namiss ko pa rin sya.

"Kumusta ka na? How's america? Si Tita? Si Ate Lia? Ikaw?" Sunod sunod ang tanong ko kaya ngumiti lang sya sakin.

"We should go, I'ts late. Sa inyo na lang tayo mag usap. Namiss ko rin si Patrick. Kumusta na pala yun?"

Nagsabay na kami sa paglalakad pauwi sa bahay. I'm happy na nakabalik na sya. Tinignan ko sya, bakas sa mukha nya ang saya na makabalik ulit ng pinas. Then all of a sudden bigla na lang sumagi sa isip ko ang sinabi nya bago sya umalis. Na mahal nya ako. Dati.

Nawala sa labi ko ang kaninang ngiti dulot ng pagbabalik nya. 


~*~


AN:

Hello! Gals! Whaz up? lol. Kumusta kayo? Dito ko na sasabihin ang dapat announcement sa THE PROBLEM WITH HIM....

May special chapter po iyon>> Hwatiiing lang gals kasi tinatrabaho ko pa yun. Want nyo ba ng dedication? Simple lang!! Magcomment lang kayo then UP! VOTE COMMENT AND BE A FAN!! lol. XD :>>>>

Arigathanks gals!!! lab yah!!


Nga pala salamat sa mga naglike ng page ng  THE PROBLEM WITH HIM Salamat ng marami!! *\^^/* 

At cheers din sa success ng THE PROBLEM WITH HIM !!! 

4.5k reads na tayo!! and still counting!! Selemet!!

YEY!! pasabog confetti!! ******

Thanks!!

payn. babye na. lol.

XOXO,

iamailah\bluecrazyaddicted

ADD nyo ako sa FB. Hindi ako snob. we can be friends kung gusto nyo. :>>>>

Iamailah Watty or facebook.com/iamailah.wattpad


Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon