Chapter 7
Keith
Dalawang linggo na simula ng matapos ang campus fair. Pero after nun hindi na muling nagtext si Ray sa'kin. Ilang beses ko na rin syang tinext kung bakit hindi na sya nagre-reply sa bawat text ko pero wala pa rin akong nakuhang reply.
Katulad na lang ngayon, hinihintay kong magreply sya pero wala pa rin akong natatanggap. Ano na ba nangyari sa kanya?
"Seryoso tayo ngayon ah." Napalingon ako sa taong yun. Si Abby lang pala. "So. Sinong hinihintay mong mag-text." Umupo sya sa tabi ko.
"Wala." sabi ko. Sumandal at huminga ako ng malalim. "Tine-text ko kasi sya. Pero wala pa rin reply.."
"Sino?. Yung Ray?" Tinignan ko sya. Hindi ako tumugon sa tanong nya. Tinago ko na lang ang phone ko saka ko sya niyayang kumain. Habang papunta kami sa canteen, puro yung tungkol sa campus fair ang sinasabi nya. Tango lang ako ng tango. Dahil sa totoo lang ayoko ng marinig ang tungkol sa campus fair na yan.
Pagkatapos namin makabili ng pagkain ay umupo na kami. Nagsimula na kaming kumain at nakita kong pumasok sa canteen si Raven at kasama nya yung mga kaibigan nya. Nakaharap kasi kami sa pintuan ng canteen. Hindi ko na lang pinansin ang pagdating nya kaya nagsimula na lang akong kumain. Pero napatingin ulit ako sa kanya.
"Try mo kayang kumain nuh?" Napatingin ako kay Abby dahil sa comment nya.
"Huh?"
"Akala ko ba nagugutom ka?" tanong nya. Inabot nya sakin ang tinidor na nakalagay lang sa ibabaw ng plato ko. "Oh.. Kain." Hindi na lang ako umimik sa naging pahayag nya.
Nagsimula na lang akong kumain.
"Alam mo, kayong dalawa nung Raven na yun.. May napapansin ako.." Tinignan ko si Abby. Isusubo ko na sana ang pagkain ko ng magsalita ulit sya.
"May gusto ba sayo yun?"
Bigla akong napaubo dahil sa sinabi nya.
"Anong sabi mo?" Uminom ako ng tubig at tinignan ko si Abby.
"Uyy.. Affected sya.." Tapos kinikiliti nya ako sa tagiliran.
"Hindi nga sabi eh.." tugon ko pero mukhang hindi sya titigil sa kakatanong kung ano ba talaga meron samin.
"Wala nga.. We're just friends.. at yun lang yun.. Wag mo ng bigyan ng malisya." Tinignan ko sya pero nakangisi sya na parang nang-aasar at napatingin sya sa may likod namin.
"Speaking of.. Ayun sya oh.." Lumingon ako pagkatapos nyang ngumuso sa likuran namin.
Nagulat ako dahil sa bigla nyang pagpunta dito. Hindi ko alam na dadalawin nya ako.
"Pat!" Agad akong lumapit sa kanya. Parang bigla akong dinapuan ng hiya, ng magsitinginan lahat ng student sakin kaya ngumiti na lang ako kay Pat.
"Kailan ka pa dumating?. At bakit di mo sinabi na ngayon na pala ang first day mo dito? Sana pinuntahan kita-"
"Relax.. Isa isa lang.." Tumawa sya kaya nag pout na lang ako.
"Ang cute cute mo pa rin talaga.." Feeling ko namula ako dahil sa sinabi nya.
"Wag ka nga.. Ayy.. Nga pala.." Hinila ko na sya sa table namin ni Abby at umupo kami.
"Si Abby.." Pakilala ko. Pagkatapos, nag usap na lang kami ni Patrick. Pat lang tawag ko sa kanya.
"Buti pala hindi ka nahirapan mag enroll."
"Hindi nga e."
Naupo kami ni Pat sa isang bench malapit sa building nila. Sabi kasi nya, i-tour ko daw sya dito. Ginawa pa akong tour guide?
"Ang dungis mo pa rin kumain.." Pinunasan nya yung chocolate sa gilid ng labi ko. "Ayan wala na.." tapos ngumiti na lang sya. Kailan lang kasi sya nagsabi na uuwi na sila at ang maganda pa, same university lang kami .
"Thanks.. Ahm.. Diba may klase ka pa?" sabi ko. Ewan pero parang iba na ngayon na magkasama kami hindi tulad ng dati.
"Wala naman. Bakit?.. May klase ka na rin ba?" tanong nya. Pero wala na talaga akong klase.
"Ah ka-"
"Keith." Napalingon kami parehas ni Pat sa likod at naroon si Raven kasama si Franco at isang girl na maputi at nakataas ang kilay sakin.
"Hi" sabi nung girl na kasama nila. Mabilis syang lumapit kay Pat at pinulupot ang kamay sa braso niya. "I'm Saffron, but you can call me Saff."
Ngumiti lang si Pat at tinanggal nya ang kamay nung girl sa braso nya.
"Hi.." Tinignan nya ako. "Keiy.. Let's go?" Tumango lang ako at tinignan ko sila Franco.
"Ba-"
Hindi na ako nakapag paalam pa sa kanila dahil hinila na ako ni Pat.
"Pat.. Hindi pa ako-"
"I don't like it."
"Ha?" Tinignan ko sya at seryoso sya.
"Uuwi na lang ako.."
"Pero kakapasok mo pa lang.."
Hindi na nya ako pinansin at nagtuloy tuloy na sya sa paglalakad. Ano bang problema nya? Bakit bigla na lang sya nagkaganun?
"I knew it." Nakangiting tugon ni Abby habang tinatanaw namin si Pat.
"Anong 'I knew it?' "
"Secret.." Then iniwan nya ako at pumunta na sa class nya.
Napakamot na lang ako sa noo dahil sa mga inaasta nilang lahat.
Nakakainis! Bakit ba lahat ng tao, ang hirap intindihin?
"Arrgh!! Bahala nga kayo!" Opps! Nasobrahan ata? Nakayuko na lang akong bumalik sa room namin, dahil sa sobrang hiya.
"Aray!" Napa-angat ang ulo ko dahil sa pagkabangga ko.
"Okay ka lang?" tanong ni Raven.
"Yeah." Nilagpasan ko lang sya kasi nga badtrip ako ngayon.
"Here." Inabutan nya ako ng pagkain.
Tinangap ko yun dahil sa inis ko at parang nagugutom din ako.
"Badtrip naman oh."
"Sa kasama mo kanina?"
"Sa lahat." Huminga ako ng malalim at saka ko kinain ang binigay nya. "Aalis na lang ako.." Nauna na akong maglakad pero narinig kong tinawag nya ako pero hindi na ako lumungon. Ano bang problema ng mga tao ngayon?
****
YEY! Vote & Comment! Thanks!
BINABASA MO ANG
Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)
RomanceBook 1 of Games Doulogy [COMPLETED || EDITING] All Rights Reserved 2016 Keith Allene del Prado is a loving daughter, thoughtful sister and a good friend. She always had a dream of being a good performer when it comes to singing on a stage with her...