CHAPTER 3
Keith
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya pinatayo ko si Gerald sa pagkakaluhod. Tinignan ko sya sa mga mata nya at nakikita kong parang importante talaga ang sasabihin nya. Alam kong malapit na syang umalis.
"Hindi mo na kasi kailangan pang lumuhod.. Ano ba 'yong sasabihin mo at mukhang importante 'yan." tanong ko sa kanya pero nanatili pa syang tahimik.
"Kailangan ko kasi ng tulong mo.. Keith.. Wala na akong ibang masabihan nito.. Nakakahiya nga pero.."
"Sabihin mo na..Ano ba kasi 'yon?"
"Pwede bang.. Magpanggap ka bilang.." Napakamot na sya sa batok nya.
"Magpanggap bilang ano?" tanong ko.
"Bilang.."
"Gerald.. Please sabihin mo na.."
"As... My Girlfriend.." Narinig ko ang pagbuntong hininga nya. Napakunot ako ng noo ng sabihin na nya ang gusto nyang sabihin.
"Seryoso ka ba dyan?.. Ako talaga?" tinuro ko pa ang sarili ko. Hindi ko maisip na magpapanggap ako as his girlfriend.
"Oo.. Ei kasi.."
"Pero.." Nag aalangan akong pumayag. Ayoko kasing isang araw isipin talaga ng mga tao dito sa campus na totoong kami ni Gerald kahit hindi.
"Ayaw mo?.." tanong nya. "Please.. Sana pumayag ka.. Ngayon lang naman 'to e. Sa harap lang naman nina Mom at Dad... Ayaw kasi nila akong tigilan sa kaka-match kay Eloise.. Ei ayaw ko nga sa kanya.."
"Pero.. Pwedeng... Iba na lang?" Nakita kong mas lalong nalungkot sya ng sabihin ko 'yon. "Sorry ha.. Babawi na lang ako next time.. Pero wag lang yon.. Sorry...." tugon ko.
"Okay lang.." tugon nya. "Hindi naman kasi madali yong gusto kong mangyari.."
"Keith.." Parehas kaming napalingon ni Gerald sa taong 'yon. Ang seryoso ng pag uusap namin tapos sasabat ang isang 'to? Kailan ba nya ako titigilan?
"Ugali ha?" sarcastic kong sagot sa kanya.
"Ano?" Nakipagsukatan ako ng tingin kay Raven. Bakit ba kasi bigla biglang susulpot ang isang 'to? Ano ba sya kabute? Susulpot na lang at magpapakita kung kailan nya gusto.
"Wrong timing naman.." Narinig kong sabi ni Gerald pero kahit alam namin parehas ng bulong lang yon may ibig sabihin yon.
"Ah.. Kailangan ko kasing makausap 'tong bubwit na 'to." tumingin sya saglit kay Gerald at tinignan nya ako ng masama.
"Talagang bubwit?.. Hoy monster, Alam mo bang nakaistorbo ka samin ha?.. Kita mong nag uusap kami dito tapos bigla kang susulpot.. Ano ba problema mo ha?"
"Tara na.." Hinawakan nya ako sa kamay at walang sabi sabing hinila nya ako palayo kay Gerald.
"Teka naman.. Kaya ko maglakad. Hindi mo na ako kailangan hilahin pa.. Hoy!!" Pilit kong hinihila sa kanya ang kamay ko pero sadyang malakas ang pagkakahatak nya sa kamay ko. Hanggang sa makalabas na kami ng auditorium.
"Mabuti na yong sigurado.." tugon nya matapos nyang bitawan ang kamay ko. Hinawakan ko ang kamay ko dahil pakiramdam ko namumula ito.
"Kailangan na kitang makausap.." Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi nya. Wala akong paki sa kanya. Inintindi ko na lang ang kamay ko dahil kitang kita ko talaga ang pamumula nito.
"Tignan mo ginawa mo!" Pinakita ko sa kanya ang kamay ko pero imbes na makonsensya sya at humingi ng sorry, wala akong nakuhang sagot kundi..
"Sus.. Hindi mo ikamamatay yan.." At tinalikuran na nya ako at nagtuloy tuloy sya sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)
RomanceBook 1 of Games Doulogy [COMPLETED || EDITING] All Rights Reserved 2016 Keith Allene del Prado is a loving daughter, thoughtful sister and a good friend. She always had a dream of being a good performer when it comes to singing on a stage with her...