Chapter 29

14 2 0
                                    


Chapter 29


Nanatili lamang akong nakaupo habang tulalang pinagmamasdan ang kawalan. Hindi ko alam kung bakit, saan, paano. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Raven kung sakaling magkita kami ngayon o kung puntahan niya ako ngayon.

"Keith,"

Blurred na ang paningin kong lumingon kay Abby.

"Abby.." Agad ko siyang niyakap nang mahigpit.

"Shh.."

"Hindi ko  alam kung anong nangyari, bakit. Bakit ganito?"

Humiwalay siay sa yakap.

"Makinig ka muna, kausapin mo siya kapag nakabalik na siya, okay?"

"Ayoko muna," Umiwas ako at mulinh umupo.

"Bakit ayaw mo siyang maka usap? Kailangan niyong mag usap dalawa."

Umiling ako at naglakad pabalik ng kwarto ko.

"Saan ka pupunta?"

"Bar."

"Bar? Bakit?"

Kinuha ko ang aking sweetheart neckline black dress.

"Para makalimot. Gago siya."

"Teka lang naman, Keith."

Hinila niya ako.

"Hayaan mo na lang ako, please, Abby."

Binawi ko ang aking braso sa hawak niya at nagtungo na sa bathroom para makapagpalit. Habang nagbibihis ako ay panay ang sermon sa akin ni Abby.

"Gusto ko lang makalimot." katwiran ko.

Ngayon ay naglalagay na lang ako ng make up sa mukha.

"Hanggang 11 PM lang tayo doon."

Hinarap ko si Abby.

"What? Ang KJ mo naman, let me enjoy this night."

Itinuloy ko ang pag aayos ng aking mukha. Habang si Abby ay nakatingin lang sa akin sa salamin.


Nang nakarating kami sa Bar maraming mga sumasayaw, umiinom at kung ano-ano pa. Naghanap agad kami ni Abby ng mauupuan. Pagka upo namin ay nagtawag na ako ng waiter. Um-order ako ng tequilla while si Abby ay nag order ng blue margarita.

"Hindi ka maglalasing ah." paalala muli ni Abby.

I ignored her.

Inubos ko ang laman ng aking inumin at muli akong nag order.

"That's enough, Keith."

"Tsk."

Iniwan ko na lang si Abby at nagtungo na ako sa dance floor. I just heard Abby's saying those things.

"Whatever,"

Sa tugtuging naghalo-halo na ay nagsimula na akong sumayaw. Habang sumasayaw ako ay naramdaman ko ang isang mariing paghatak sa aking palapulsuhan.

"Ano ba?!"

Madilim niya akong tiningnan.

Ngayong nandito na siya sa aking harapan hindi ko alam kung ano ang lalabas sa aking bibig.

Hinatak ko ang aking kamay at nag martsa palabas ng bar habang nakasunod lang siya sa akin.

"Keith,"

"Ano?!"

Hinarap ko siya at tinulak.

"Anong ipapaliwanag mo sa akin ha?!" Nagsimula nang umagos ang mga luha ko.

Ginulo niya ang kanyang buhok at frustrated akong tiningnan.

"Ano bang ikinagagalit mo?" marahan ngunit may diin sa kanyang boses.

"Wow? So, nagku-kunwari kang hindi mo alam? Why don't you ask yourself instead?"

"Tangna! Ano bang ikinagagalit mo? Dapat nga ako ang magalit sa iyo dahil narito ka sa lugar na ito!"

Halos mamanhid na ang aking kamay sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya.

"Huwag mo akong mumurahin! Gago ka! At ikaw pa ang may ganang mag taas ng boses ngayon, ha? Ano, masarap ba makipag halikan sa babaeng 'yon, ha?!"

Nanliit ang kanyang mga mata at mataman akong tiningnan.

"That video?"

"Oo!"

"Iuuwi na kita." hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patungo sa kanyang sasakyan.

"Ayoko! Ayokong sumama sa iyo!"

Hinilamos niya ang kanyang mukha.

"For god's sake, Keith! Matagal na iyong video na 'yon."

"I don't care kung matagal na 'yon o kahit dekada na 'yon. Ang point ko dito, tinawagan kita. Ilang beses kitang tinawagan at ti-next, pero you didn't answer all my calls!"

"I was busy! I was damn busy, Keith. Hindi mo ba naiintindihan iyon?"

Umiling akong muli.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tinalikuran ko na siya.

"Keith.."

Patuloy lang ako sa paglalakad habang pinupunasan ko ang aking mga luha.

"Keith!"

"Baby," Niyakap niya ako mula sa aking likuran.

"Huwag mo muna akong kausapin, Raven. Please."

Tinanggal ko ang kamay niya  sa aking baywang kahit ramdam ko ang panghihina niya.

Nagpatuloy na ako sa paglalakd.

Narinig ko pa ang pagmumura niya bago ako pumara ng taxi paalis sa bar na iyon.


Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon