Chapter 11

22 3 0
                                    


Chapter 11


Keith

Ngayon ay nandito kami kung saan tuturuan ako ni Raven sa isang subject. Ayoko nga sana magpaturo sa kanya kaya lang sya lang naman ang isa sa masasabi kong magaling sa subject na yun. Habang ako binabasa ko yung tinuro nya sakin at sya naman kasama nya yung isa nyang kaibigan na si TJ, at si Abby nandun sa kabilang table at may pinapanuod sa phone nya.

"Oy Rav, yung sinabi ko sayo. Hindi mo ba yun kayang ituloy kahit konti?" tanong ng kaibigan nya.

"Ayoko, ako ng bahala dun."

Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko hanggang sa narinig kong tumatawa na si TJ. Tinignan ko lang sila ni Raven kaya naman nung nakita nyang nakatingin ako sa kanya siniko nya si TJ at lumapit sakin.

"Kaya mo pa ba?" tanong nya. Hindi ko sya pinansin, sa halip ay nagpatuloy lang ako.

"Kaya ko to" wika ko.

"Sure?"

Tinignan ko sya at parang hindi ko malaman kung nang aasar ba sya o hindi.

"Ano ba sa palagay mo?" Narinig kong tumikhim si TJ kaya naman naupo na lang sa tabi si Raven.

"Nga pala Rav, Ano to?" May isang pirasong papel na pinulot si TJ sa may book na dala no Raven. "Love letter?" Bigla naman tong inagaw ni Raven pero hindi nya nakuha dahil biglang lumayo si TJ. "Shet pare,"

"Akin na yan."

"I don't want to do this but can't. Every single day, I see your smile. Your beautiful eyes. And.."

"Akin na sabi e!" Nakuha na yun ni Raven mula kay TJ. Tinignan ko sila at nagpasalin salin ang tingin ko sa kanilang dalawa pero hindi ko na lang ininda yun.

Ginusot yun ni Raven at binulsa.

Ano ba yung sulat na yun?

Kahit papano, curious ako kung ano ang ibig sabihin nun at kung para kanino yun.


~*~


Tanghali na nung pumasok ako, napuyat ako kakareview sa subject na yun. Kung bakit kasi bigla na lang naisipan ng prof namin na magpaquiz agad.

Habang nagaantay ako sa may tapat ng college of law kung saan magkikita dapat kami ni Abby, saka naman sya nagtext na hindi na sya makakasama dahil may bigla daw silang pupuntahan. Kung kailan planado na . Tsk. Abby talaga.

Naglakad na lang ako at tumungo sa isang restaurant malapit sa university, nakaramdam kasi ako ng pagkagutom bigla.

"Hi Keith." Nilingon ko ang taong yun.

"Ikaw pala yan Franco." Ngumiti sya sakin at sinabayan nya ako sa paglalakad.

"Saan ka pupunta ngayon?"

"D'yan lang sa may restaurant."

"So. Pwedeng sumabay?"

Tinignan ko sya.

"Sure. Ikaw bahala."

"Thanks."

Naglalakad lang kami hanggang sa makarating kami sa restaurant. At sabay na rin kaming bumili ng makakain.

"Bali-balita sa campus yung pagiging malapit nyo ni Raven."

"Sino kamo?" tanong ko matapos kong ilapag ang tray na dala ko. Kahit narinig ko dapat masiguro ko pa rin na tama ba yung narinig ko.

"Si Raven."

"At bakit daw?" Naupo na kami parehas at pinunasan ko ng tissue yung spoon na hawak ko.

"May nagsasabi na, baka daw hinaharot mo siya. Tapos-"

"At sinong nagsabi na nilalandi ko si Raven?"

"Mga babae sa campus."

Ni-hindi ako makakain ng maayos dahil baka kung ano naman ang sabihin nila.

"Don't mind them, as long as alam mo naman yung totoo.  They just know your name and not what you've been through.."

Ngumiti na lang ako sa sinabi nya.

"You know what, You're right. Mas kilala ko ang sarili ko at hindi dapat ako magpaapekto sa kanila.

"Alam mo kumain ka nalang," then ginulo nya ang buhok ko.

"Ayy?" Sumimangot ako pero agad din akong ngumiti. Tama si Franco. Pero naisip ko na sya rin, may iniisip at yun ay tungkol sa ex nya.


~*~


Maaga natapos yung class ko sa finance kaya agad akong dumiretso sa carpark kung saan nandun si Kuya Gab. Ang sabi kasi nya susunduin nya ako. Ng makarating ako kung saan nakaparka ng kotse ni kuya, nakita kong may kausap syang lalaki. Hindi ko kasi makita yung kausap ni kuya dahil nakatalikod ito sa'kin.

"Kuya."

"Ohh Keith."  Bumaling ang tingin ni kuya sakin pati na rina ng kausap nya. Paglingon ko sa kausap ni kuya, Si Raven pala.

"Raven. A-Anong.. ginagawa mo dito?" Bakit ganito yung pakiramdam ko? Parang hindi na ako mapakali?

"Wala naman. I'm just being friendly." Then he smirk. Parang hindi ko gusto yung nangyayari ngayon. Para ding uminit yung ulo ko.

"Friendly? with my brother?. Tsk. Wag ako Raven." Agad akong sumakay sa kotse pero sila nakatayo pa rin.  "Tara na kuya." Pero mukhang hindi ako narinig kaya binaba ko yung window para makita sila. "Kuya ano ba! Tara na sabi." Tinaas ko ulit yun at sumandal.

Agad na sumakay si kuya. Hindi ko sya pinansin buong byahe kahit na kausapin nya ako. Nung makarating kami sa bahay hindi ko rin sya kinibo. Ayoko lang naman na gamitin nya ang kapatid ko para manloko ulit gaya ng ginagawa nya noon. Pero napaisip ako, sakin ba seryoso sya o baka ginagawa lang nyang rason yun para paniwalaan ko sya?

Hindi ko na alam, naguguluhan ako..


~*~

VOTE & COMMENT. THANKS

Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon