Chapter 23

19 2 0
                                    


Chapter 23

Keith


I know naman na kahit paano ay nabawasan ang pag iisip ko. Kung minsan hindi ko lubos maisip kung bakit parang ang dali lang sa kanya.


Abala ako sa pag sasa ayos ng mga libro kong nagkalat sa mesa ng library. At kung kailan inaral ko ang calculus, doon ko pa hindi inaral ang basic finance. Argh!


Nakaka bwisit na talaga 'tong pag aaral na 'to!


Pag naka gradute na talaga ako, who you sa'kin 'tong mga subject na'to.


"Pikon ka na ba sa mga subject na 'yan?"


Napalingon ako mula sa taong 'yon.


At nakatayo na nakapamulsa si Raven sa gilid ko. Lumakad sya sa kabilang dulo ng upuan at naupo.


"Ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko.


"Hmm." Nag isip pa ito.


"Nag aaral?" sabi nya na parang ito na ang pinaka obvious sa lahat.


"I know," I rolled my eyes at him.


Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nya.


Bwisit na 'to! Tinawanan pa 'ko!


"So, may itatanong lang ako," sabi nya. Narinig ko ang paghinga nya ng malalim. At sa tono ng pananalita nya, seryoso ito 'di tulad kanina na nang aasar.


Tumingin ako sa kanya. "Ano naman 'yon?" At binalik ko na ang tingin sa mga libro. Pinagpatong patong ko na ito.


"Iniiwasan mo ba ako?"


At parang on cue na napa hinto ako sa ginagawa.


Alam kong alam na nya ang sagot. Pero bakit pa nya tinatanong?


"Busy lang siguro tayo," Nilingon ko sya.


"Busy?" Kumunot ang noo nya. "Pag tinatawagan kita hindi ka sumasagot. Kapag nagti-text ako sa'yo, hindi ka nagre-reply. Iniiwasan mo ba talaga ako?"


Napailing ako. "Wow huh? Hindi ba pwedeng hindi ko lang nasagot? Hindi ko lang nabasa 'yong text mo? Tapos magko-conclude ka na iniiwasan kita? Raven, sa ating dalawa, ikaw ang umiiwas. No'ng mga time na gusto kitang kausapin, ang lapit lapit mo nga, pero feeling ko, para tayong strangers, or worst, hangin na lalagpasan lang."


Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha ko. Mabilis ko itong pinunasan.


Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon