Chapter 28

13 2 0
                                    


Chapter 28

Ilang gabi rin akong hindi nakatulog ng maayos. Palagi kaming magka-text ni Raven. Wala siya ngayon dito sa manila. At kahit paano naman'y nagkakausap kami. Not until this day. Limang araw na siyang nasa Ilocos. Pinadala siya ng kanyang Daddy roon, para sa isang business proposal. Kahit 'di pa kami nakakapagtapos ng college, at gusto na ng daddy niya ang matutunan ang mundo ng business.

Ako:

Are you busy?

Ayaw ko man siyang istorbohin dahil alam kong marami rin siyang iniisip na mga trabaho. Hindi tuloy matanggal sa isip ko kung may mga magaganda bang babae roon. Kung may mga babae bang gusto ang kanyang daddy para sa kanya.

I smiled bitterly at that thought.

Though I know for sure na hindi gagawin ni Raven sa akin iyon.

Hindi nga ba?

Mahina kong tinampal ang aking pisngi.

I should trust him.

Huminga ako ng malalim at nagsimula nang tapusin ang reaction paper na ginagawa ko. Napabaling ang tingin ko sa side table nang mag-vibrate ito. Agaran ang pagkuha ko rito sa pag aakalang si Raven ang nag-text.

Abby:

Bibisita ako sa iyo, Bes. See you.

Kumunot ang noo ko sa nabasang text galing sa kaibigan.

Ako:

As in now? Sure, I'll wait for you.

Abby:

Bilis mag-reply, ah? Hindi mo ka-text si lover boy? Haha. Kidding.

Ako:

Nope. Busy siya.

Hindi na muling nag-reply pa si Abby. Napasulyap akong muli sa aking phone makalipas ang tatlumpong minuto baka sakaling may reply na si Raven.

Ako:

Still busy, Raven? I miss you.


Dumating nga si Abby pero saglit lang itong bumisita sa akin. Dahil may pupuntahan pa raw siya.



Humalukipkip ako habang nakatanaw sa nagtataasang mga building sa aking harapan. Huminga ako nang malalim. Dalawang araw ko na siyang tini-text. Pero wala akong nakukuhang reply mula sa kanya.

I am now starting to worry.

Ano ba ang ginagawa niya roon? Bukod sa pag asikaso ng business nila? Ayoko sanang mag isip nang hindi maganda, pero sa puntong ito, hindi ko na alam.

Ako:

Dalawang araw ka nang hindi nagre-reply sa akin.

Ako:

Ano ba talagang ginagawa mo diyan?

Ako:

Raven..

Ako:

Fine. Huwag mo na akong kausapin at replyan. Bahala ka.


Inubos ko na lang ang oras ko sa pags-scroll ng facebook, baka sakaling mawala sa isip ko ang inis, iritasyon at galit dahil sa hindi niya pagre-reply.

Tumigil ako sa pags-scroll nang mahagip ang isang post kung saan naka-tag si Raven.

Binasa ko ang caption sa post na iyon.


"Happy to see you again after so many years. It's nice that we saw each other here in the party, I still miss you. Haha.

Raven and I, Reunited? Haha."


Napatiim bagang ako sa nabasa. Namuo ang galit at pait sa akin. Kinalma ko ang sarili bago ako kainin ng selos ko sa nabasa.

I clicked the photos.

Parehas silang nakangiti sa picture. The girl was holding a glass of wine while she's looking at Raven. She's pretty and looked so stunning.

May namuong pait sa akin.

Hindi ko na kaya.

I dialed his number. Gusto kong tanungin siya tungkol dito.

Naka ilang tawag ako pero walang nasagot.

Ako:

Let's talk kapag nakabalik ka na rito sa manila.


Muli kong tiningnan ang post na iyon, may bagong upload na mga pictures at videos. Nag unahan na sa pag agos ang mga luha ko sa nakitang videos.

Raven and that girl, was kissing very intimately on that video. Kuha sa isang bar. Nabitawan ko ang aking cellphone at nagsimula na ako sa pag iyak na ako lamang ang nakakarinig.

Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon