Chapter 25

11 2 0
                                    



CHAPTER 25


Maaga pa lamang ay nakatambay na ako sa students hall, kailangan ko na kasing i-review ang mga kailangang aralin dahil sa malapit na ang finals.


Kung pwede ko lang naman kasi na ilahat ang pagre-review nito.


Nilapag ko na lang ang aking phone dahil wala naman itong text o kaya tawag. Kinuha ko ang ledger at nagsimula na akong i-review lahat.


"Keith," Napaangat ang tingin ko sa taong nagsalita. "Puwede ba kitang makausap?" aniya Aizah.


"Sure," aniya ko.


Umupo siya sa tabi ko dito sa mahabang bench. Tiningnan ko siya habang pinaglalaruan niya ang kanyang mga daliri. Tila ba hindi mapakali kung ano ang sasabihin niya sa'kin.


"Ano ba 'yung gusto mong pag usapan natin?" ani ko.


"Uhm, kasi," Nakita kong lumunok siya bago muling nagsalita.


"May kailangan akong sabihin sa'yo, eh"


"Ano nga? Sabihin mo na kasi kailangan ko pangㅡ"


"Kailangan mo ngayong pumunta sa field," aniya at yumuko.


"Field? Ano naman ang gagawin ko doon?" 


Tinagilid niya ang kanyang ulo at may dinungaw siya sa aking likuran kaya napalingon ako roon. There, standing, si Patrick.


Lumapit na ito sa kinaroroonan namin.


"Keith," ani Patrick.


"Bakit ko kailangang pumunta doon? May ipinagawa ba saㅡ"


"May naghihintay kasi sa'yo doon," ani Patrick.


Nakita kong pinandilatan ng mata ni Aizah si Patrick kaya kumunot na ang noo ko sa nangyayari.


"Alam niyo, h'wag na kayong magpaligoy-ligoy pa. Ano ba kasi 'yon, ha?"


Naghintay ako sa mga sagot nila pero wala ang nagsalita kaya tumayo na ako. Mabilis kong inilagay sa bag ko ang aking ledger at ilang gamit.


Nagsimula na akong maglakad patungong field para malaman kung ano ba talaga ang dapat kong makita roon.


Nakasunod na rin ang dalawa sa'kin at para bang nagtatalo pa sila, pero hinayaan ko ang sarili na maglakad at hindi pansinin ang mga naririnig kong bulungan.


Habang papalapit ako sa field ay binundol ako ng kaba at nang tingnan ko nga, ay maraming mga estudyante ang naroon at nakiki usisa.

Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon