Chapter 20
Raven
Dinala ko na sya sa bahay nila but she refuse it. Ang sabi nya, sa condo unit na lang daw nya. Kaya doon ko sya hinatid. Thus, Ang taas pa ng lagnat nya.
"Dapat kasi hindi ka na pumasok kung alam mong masama ang pakiramdam mo." sabi ko. Tinignan nya ako saka sya ngumiti.
"Hatid mo na lang ako.." mahina nyang sabi. Hinatid ko nga sya sa unit nya. Hindi ko kasi alam na may condo unit pala sya. Ang tanging alam ko lang kasi, sa bahay nila.
Pagkarating namin sa unit nya inabot nya sakin ang key card. Binuksan ko ang ilaw at saka ko tinanong kung saan ang room nya. Agad naman nyang tinuro iyon. Inalalayan ko syang makahiga sa bed nya.
"Dyan ka lang, kukuha lang ako ng towel."
"Hmmm.." Tumagilid sya at niyakap ang isang unan.
Lumabas na ako ng room nya upang kumuha ng isang maliit na planggana at hand towel. Pagkatapos kong lagyan iyon ng tubig, pumunta na ako sa room nya. Natutulog na sya ng maabutan ko.
"Kei," Ito na yata ang unang beses na mag aalaga ako ng taong may sakit.
Kinapa ko ang noo nya, Masyado talagang mataas ang lagnat nya.
"Ra..ven.." Unti unti nyang iminulat ang mga mata nya. "I..ikaw.. nga."
Sinubukan nyang umupo pero hinawakan ko ang magkabilang braso nya.
"May sakit ka, kaya humiga ka lang dyan." Inihiga ko ulit sya.
Kinuha ko na ang hand towel saka ko sinimulang ilagay ang towel sa noo nya.
"Makakabuti yan para bumaba ang lagnat mo." Tinignan ko sya sa mga mata. Nakikita kong malungkot sya. Hindi dahil sa may sakit sya, kundi nakikita kong may iba pa syang iniinda bukod sa lagnat nya.
"May problema ba, Kei?" tanong ko. Bumuntong hininga sya. "Matulog ka na lang.." Natigilan ako kasi hindi pa sya nainom ng gamot. "Saan ba yong medicine kit mo?"
"Sa.. may dining.." Ngumiti pa ito saka ulit pumikit.
"Kukunin ko lang." Tatayo na sana ako pero hinawakan nya ako sa may wrist ko. "Magpahinga ka na lang." Hinawakan ko ang kamay nya upang alisin yun.
"Dito ka.. lang. Wag mo akong.. iwanan.."
"Hindi naman ako aalis, hindi naman kita iiwanan."
Hindi ko rin alam kung ano ang tumakbo sa isipan ko kung bakit ko sya hinalikan sa noo kahit na may lagnat sya.
Agad kong kinuha ang gamot kasama ang isang baso ng tubig.
"Kei, uminom ka muna ng gamot." tinulungan ko syang umupo at agad nyang ininom ang gamot.
"Salamat, Raven" sabi nya matapos ay pumikit sya.
"Matulog ka na.. Babantayan na lang kita." Nagulat na lamang ako ng hawakan nya ang isang kamay ko. Nagmulat ito at tinignan ako.
"Dito ka lang ha?.. Dito ka lang sa tabi ko.." Napangiti na rin ako ng ngumiti ito sakin.
Gamit ang isang kamay ko na hindi nya hawak, hinaplos ko ang buhok nya.
"Sleep well, Kei."
"Mahal na nga talaga kita." I whispered. Then, I kissed her forehead.
Keith
Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Sinong pangahas na tao ang pumasok sa room ko? Tinignan ko ang curtain ng room ko at slightly open ito kaya ako nasisikatan ng araw.
Umupo ako, pero sadyang masakit ang ulo ko. Nakaamoy ako ng pagkaing niluluto sa labas. May bisita ba kami?
Saka ko lang na-realize na, andito pala ako sa unit ko. Teka? Dito ba ako umuwi kagabi? Pumikit ako, at naalala ko na ang nangyari at kung bakit ako andito sa unit ko.
"Hinatid nya ako?" bulong ko.
"Gising ka na pala," Lumapit sya sakin at kinapa ang noo ko. "Wala ka na rin lagnat." Napalunok ako sa naisip ko. Dito sya natulog? Nagtabi ba kami? Ano bang mga sinabi ko kagabi?
"Kumain ka na rin, nagluto na ako." Tinignan ko sya ng seryoso.
"Ikaw nag alaga sakin?" Tumango ito saka ngumiti.
"This is my first time na mag alaga ng may sakit." Umupo sya sa may tabi ko. Parang kinabahan ako ng lumapit sya sakin. At napalunok ako. Kagagaling ko lang sa sakit, pero pinapasakit nya ang ulo ko. Mas lalo pa syang lumapit kaya inatras ko ang sarili ko.
"Ba-bakit?" Why am I stammering like this?
"Kinakabahan ka ba?" Lumapit pa sya ulit. Pero hindi maalis sa labi nya ang nakakalokong ngiti na 'yon.
"Ra-Raven." No choice na ako kaya napapikit na ako. Teka? Hahalikan ba nya ako? Pero hindi pa ako nagto-toothbrush. Ay leche! Anong hahalikan?! Arggh! Napadilat ako bigla ng mag smirk sya.
What the hell?!
"Ini-expect mo bang hahalikan kita?" Ngumiti ito ng nakakaloko. Lumayo sya sakin at tumayo pero yung ngiti nya hindi pa din naaalis.
"Tumayo ka na dyan, kakain na tayo." Nauna na syang lumabas ng room ko.
Naiwan akong nakanganga dahil sa ginawa nya. Bwisit! Bakit hindi nya tinuloy?! Ay takte! Anong hindi tinuloy?! Nasapo ko ang noo ko dahil sa sinabi ko. Bwisit na yan!
BINABASA MO ANG
Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)
RomanceBook 1 of Games Doulogy [COMPLETED || EDITING] All Rights Reserved 2016 Keith Allene del Prado is a loving daughter, thoughtful sister and a good friend. She always had a dream of being a good performer when it comes to singing on a stage with her...