Chapter 13
Keith
Hanggang ngayon gulong gulo pa rin ako kung ano ba talaga ang totoo. Naguguluhan ako sa mga kinikilos nya. Pero ewan ko ba! Gusto ko talaga syang tanungin pero-
SMS from Raven: Hi :) Sorry ulit kanina ah, kung hindi ako nakapunta.
Reply: Hehe okay lang.
Raven: Galit ka ba? :(
Sht! Bakit kailangan may sad face pa? Ano ba talaga Raven? Pinapasakit mo ulo ko, e!
Keith: Nah.
Raven: Ang tipid, ah. Kumain ka na?
Umupo ako sa kama ko, habang paulit ulit na binabasa yung text nya dun sa part na 'kumain ka na?' Saan ba patutungo yung ganito?
Keith: Hindi pa
Raven: Kumain ka na, Maya nyan magkasakit ka pa.
Keith: Concern?
Raven, :)
Sht talaga! Ano namang klaseng sagot yan? Arrgh! Hinayaan ko na lang yung huling text nya. Hindi na ako nagreply pa.
Mga ilang sandali lang sunod sunod na ang text nya sa'kin.
Raven: Kumakain ka na ba?
Raven: Hindi ka na nagre-reply :(
Raven: Busy ka?
Raven: Keith.
Hindi ko na alam talaga! Humiga ako sa kama ko at nagpagulong gulong. Ano ba talaga yung gusto nyang palabasin? Bakit ganito na sya ngayon? Ang bait bait na nya. Samantalang kanina, halos hindi nya ako kibuin, tapos ngayon. Haay. Raveeen.. Ang sakit mo sa ulo.
Natigil ako sa kakaisip ng mag ring ang phone ko. Bigla akong kinabahab ng makita kong tumatawag si Raven. Sagutin ko ba?
Hanggang sa maging missed call na yun. Umayos ako ng upo ng makatanggap ulit ako ng text galing sa kanya.
Raven: Busy ka?
Raven: Pwede ba kita tawagan?
Raven: Baka nga busy ka. Bukas na lang kita kakausapin :)
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagreply sa kanya. Ano na namang katangahan 'to?
Keith: Nah. Hindi ako busy. Ikaw? Baka busy ka.
Raven: Pwede kita tawagan?
Keith: Bahala ka.
Pagkasabi ko nun, biglang nag ring ang phone ko, kaya parang ayaw kong sagutin. Pero ano ba talaga? Bahala na nga.
"Oh?"
"Busy ka?" tanong nya. Ewan ko sayo.
"Hindi ka sumasagot."
"A-ano ba kailangan mo?" tanong ko. At bakit ako kinakabahan ng ganito?
"Haha. Wala naman." Narinig ko ang pagtawa nya ng mahina.
"Wala? Nag aaksaya ka lang ng load."
"Okay lang. Ikaw naman kausap ko, e" sagot naman nya.
Sht! Anong sagot yun? Punchline ba yun?
"Hindi ka pa kumakain?" tanong nya. Parang may power yung sinabi nya kasi automatic akong tumayo papuntang dining para kumain. Ano na ba?
"Ito na nga, e" Ewan pero yung tono ng boses ko parang pabebe? Iba na 'to.
"Haha. Kumain ka na."
"Ikaw ba kumain ka na?" tanong ko. Kumuha ako ng plato at pagkatapos kong makakuha ng ulam ay naupo na ako.
"Nope."
"Dapat kumain ka na rin."
"Okay. Mukahng kumakain ka na, e. Tawag na lang ako mamaya."
"Okay sige. Bye"
Pagkababa ng call, napatingin ako sa lamesa at na-realize ko kung ano ng naging epekto nito. Samantalang kanina pa ako tinatawag ni Patrick para kumain ng dinner pero ayoko lumabas. Pero nung si Raven ang nagsabi, napababa ako? Myghad. Bakit nga ba? Huminga ako ng malalim.
~*~
Kanina pa ako paikot ikot dito sa kwarto ko, Baka kasi tumawag sya o mag text man lang. Kanina ko pa rin tininingnan kung may text na sya pero wala. Dahil sa wala akong magawa, kinalikot ko na lang nag inbox ko at nagbasa na lamang ako ng mga conversation.
"Ang tagal naman nyang mag-text," tanong ko sa sarili ko. Nilapag ko na lang ang phone ko sa tabi at humiga ulit ako. Nakipagtitigan na lang ako sa kisame. Chineck ko kung anong oras na. Past 10 na.
"Baka tulog na yun." Tumayo na lang ako at napag isip isip kong manuod na lang ng K-Drama. Since, hindi pa naman ako inaantok.
Mga bandang 11 PM, may nag-text kaya naman nung tignan ko. Nakita kong galing kay Raven yun.
Raven: Still awake?
Keith: Nope.
Raven: Anong ginagawa mo? Nag aaral ka?
Keith: Watching K-Drama. haha. lol
Raven: Hilig nyong mga babae dyan.
Hindi ko na naintindihan ang pinanuod ko dahil ka-text ko na si Raven, Sumandal na lang ako at ilang sandali lang nung hindi agad ako naka-reply. Tumawag na sya.
"Oh?"
"Hindi ka kasi sumagot agad e." Medyo husky pa ang boses nya.
"Inaantok ka na?" tanong ko. Narinig kong tumawa sya ng mahina. "Seryoso kasi ako." May tampo sa boses ko.
"Okay. Cute cute kasi ng boses mo e." Bigla biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ako ng malalim. Dahil sa sinabi nya, napangiti na ako.
"Hey. Tulog ka na?" Hindi na ako nakasagot, nilamon na ako ng ngiti ko. "Tinulugan ako.." Hanggang sa mahabang busy tone na ang narinig ko. Tinapat ko ang phone ko sa dibdib ko habang hindi pa naaalis ang ngiti sa labi ko, saka ako pumikit.
~*~
iamailah's Note: ---> Yay! Nakapag- update rin! Salamat naman. Dito na ako magpapasalamat sa kanya. Salamat kay God, dahil sa second time naging okay ako.. And thank you na rin sa inyo, mwahugs. :*
Vote & Comment ^____^V
BINABASA MO ANG
Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)
RomanceBook 1 of Games Doulogy [COMPLETED || EDITING] All Rights Reserved 2016 Keith Allene del Prado is a loving daughter, thoughtful sister and a good friend. She always had a dream of being a good performer when it comes to singing on a stage with her...