Chapter 22

17 2 0
                                    


Chapter 22


Masaya akong nakabalik na ng pinas si Gerald. Pero 'yong saya ko kanina nawala at napalitan ng pag aalala. Hindi ko rin alam kung ano ang meron pero alam kong hindi maganda ang kahihinatnan ng lahat.


"Akala ko hindi ka na babalik, eh." sabi ko. Pinaupo ko sya sa sofa pero tumanggi sya at sumunod sakin sa kitchen.


"Ano ka ba? syempre babalik ako. ikaw pa, alam mo naman na babalik pa rin ako." sabi nya. Kumuha na ako ng baso at nilagyan ito ng juice. Huminto ako sa tabi ng mesa. Makatapat lang kami pero hindi kami nakaupo.


"Ang tagal mo rin nawala. Akala ko nga kakalimutan mo ako."


"Suus." Nilapag nya ang baso sa mesa at lumapit sakin. Hinawakan nya ang magkabilang braso ko. "Ikaw pa ba? Kakalimutan ko? Drama mo talaga. Yan, kakapanuod mo ng mga drama." Tumawa ito.


Pero alam kong sa kabila ng tawa nya, malungkot pa rin sya.


"Hindi ka ba na home sick doon?"


"Hindi naman." Naglakad na kami pabalik sa sala at nakasalubong namin si Patrick. Tuwang tuwa itong lumapit kay Gerald saka nagpabuhat.


"Ang laki laki mo na, nagpapabuhat ka pa?" Pang aasar ko.


Nag pout naman ang batang ito at yumakap kay Gerald.


"Na-miss kita kuya! Enge pasalubong?" Tumawa na lang si Gerald at ibinaba si Patrick. Kinuha nya ang backpack nya na nakalagay sa table at kinuha ang pasalubong kay Patrick.


Isa iyon car toy. Tuwang tuwang nagpasalamat si Patrick at nilaro na ang toy nya.


"Spoiled talaga yan sayo." sabi ko habang tinitignan namin syang naglalaro.


"Minsan lang yan maging bata."


"Ate, si Kuya nalang boprend mo. "


Nagulat ako sa sinabi ng kapatid ko. Tumingin ako kay Gerald at tumawa na lang ito.


Kung pwede lang. Kung parehas lang kami ng feelings. Pero sa tingin ko hindi talaga kami pwede kasi sa pakiramdam ko, may iba nang laman ito.


~*~

After 3 months! hahaha. Thank you sa lahat! labyuu..

Short update^^

Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon