Chapter 9
Keith
Papunta pa lang ako kung saan kami magkikita ni Gerald. Doble na ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam pero talagang nalulungkot ako dahil biglaan na kasi ang pag alis nya.
Nang makarating ako, nakita ko na syang nakaupo malapit sa glass wall ng coffee shop. Nalulungkot ako dahil aalis sya pero kailangan nyang gawin yun. Ngumiti na lang ako ng makita nya akong papalapit sa kanya.
"Anong gusto mo?" tanong nya.
"Hindi na.." mahinang tugon ko matapos akong makaupo.
"Ahm.. Ganito na lang.." sabi nya. "Since ayaw mo namang kumain.. Gusto mong mamasyal na lang tayo?"
"Kahit ano.."
"Okay ka lang ba?" tanong nya. Huminga ako na malalim. Alam ko namang hindi ako okay dahil maiiwan ako dito at mawawalan pa ako ng isang kaibigan.
"Okay lang ako." then ngumiti ako sa kanya.
"Tara?" tumayo na sya at ganun din ako.
Habang naglalakad na kami hindi ako makapag imik. Tinatanong nya ako kung okay lang ba talaga ako pero panay ang sagot ko ng oo. Hindi ko masabi sa kanyang nalulungkot ako.
"Malungkot ka ba dahil aalis ako?"
Bigla akong napatingin sa kanya.
"Ha? Hindi ah! Masaya ako para sayo.. Kasi diba sabi mo, makakasama mo na ang mom mo.. Kaya Happy ako para sa'yo.."
"Okay." Tumingin ako sa ibang direksyon. "Talaga lang ha?"
"Oo nga.."
"Sige na nga, naniniwala na ako."
Buong araw lang na magkasama kami panay lang kami tawanan pero hindi ko maiwasang malungkot pag naiisip kong aalis sya.
"Pupunta ako bukas sa airport. Sasama ako sa paghatid sayo." sabi ko.
"Diba may klase ka?"
"Ay? Ayaw mong ihatid kita?" May lungkot sa boses ko. "Sige, di na lang ako sasama.. Good night." Akma na akong tatalikod at papasok na sa loob ng bahay.
"Hoy, Ito naman." Hinawakan nya ako sa kamay para pigilan. Humarap ako sa kanya at ngumiti ako.
"Pero promise yan ha.. Ihahatid mo ako."
"Naman.. Ako pa?." Huminga ako ng malalim. "Pero sa totoo lang nalulungkot ako."
"See? Alam ko naman yun."
"Pero masaya din ako para sa'yo."
"May sasabihin pala ako sa'yo." Huminga sya ng malalim.
"Ano yun?"
"Keith, I think this is the right time para sabihin ko sayo ito."
"Ano nga kasi yun?"
"Did you remember Alia.?"
"Ah! Yung Ex mong-"
"Yeah..Kasi. "
"Kasi ano?"
"I fell in love with someone else, when we're still together.." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
"Ang akala ko ba niloko ka nya kaya ka nakipag-break."
"Yes.. totoo yun but hindi pa yun ang totoong dahilan."
BINABASA MO ANG
Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)
RomansaBook 1 of Games Doulogy [COMPLETED || EDITING] All Rights Reserved 2016 Keith Allene del Prado is a loving daughter, thoughtful sister and a good friend. She always had a dream of being a good performer when it comes to singing on a stage with her...