Chapter 17
Hindi ako makapagsalita dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Napatingin ako kay Abby ng tumayo sya at sumenyas na aalis na muna sya. Nailapag ko ang hawak kong chips at saka ako sumandal.
"Ex mo ba yun?" tanong nya. Pero sa totoo lang, ayokong sumagot. Pero alam kong paulit ulit lang nya akong tatanungin about dito.
"Oo, sya nga." Matabang na sagot ko sa kanya.
"Yung ba yong nakita kong kausap mo kahapon?" Bigla akong napatingin sa kanya dahil sa nakita na pala nya si Lenard.
"Nakita mo?"
"Kahapon," Yumuko lang ako at ilang minuto kaming hindi nakapagsalita dahil parang ang awkward ng feeling.
"Ah wala lang yun," sabi ko na lang. Napalunok ako ng marinig ko ang pagbuntong hininga nya.
"Aalis na ako." Tumayo sya ng hindi ako nakatingin sa kanya. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit parang iba ang kilos nya simula ng marinig nya ang usapan namin ni Abby kanina.
Napasandal na lang ako at napa bunntong hininga.
~*~
Kanina pa ako nakalabas ng gate, naghihintay ng masasakyan. Kung bakit kasi hindi ako masusundo ni kuya. Tapos ang tagal pa dumating ng masasakyan dito.
Napalingon ako sa may kanan ng makita kong lumabas mula sa may main gate ang kotse ni Lenard. Hanggang ngayon pala yun pa rin ang gamit ng sasakyan? Ganun pa rin ang ayos pero may ilang pagbabago lang. Nagulat na lang ako ng huminto ito sa may tabi ko.
Binaba nya ang window saka nagsalita.
"Hatid na kita." Tinitigan ko lang sya at hindi ako sumagot. Iniwan ko na lang sya doon at naglakad ako ng kaunti. Pero ang mas nakakainis ng bumaba pa ito at lumapit sakin para lang i-insist na sya ang maghahatid sakin.
"Ako na maghahatid sa kanya." Biglang pagsingit ni Raven sa may tabi. Nagpalingon lingon ako sa kanila.
"Ako na maghahatid sabi, Nauna ako." sabi ni Lenard. Sobara pa kung makatingin si Raven kay Lenard. Yung mga tingin nila parang nag aapoy sa galit.
"Tumigil nga kayo.." Awat ko. "Kay Raven na ako sasabay." Hindi ko alam kung bakit ko rin yun nasabi pero sa huli, kay Raven pa rin ako sumabay. Iniwan ko na lang sila at nauna na ako sa kotse ni Raven. Bahala sila kung magpapatayan sila doon.
~*~
BINABASA MO ANG
Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)
RomanceBook 1 of Games Doulogy [COMPLETED || EDITING] All Rights Reserved 2016 Keith Allene del Prado is a loving daughter, thoughtful sister and a good friend. She always had a dream of being a good performer when it comes to singing on a stage with her...