Chapter 10

19 3 0
                                    


Chapter 10


Sadyang hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko kay Gerald. Basta ang alam ko lang, kakausapin ko na sya kapag ready na ako na matanong sa kanya kung totoo ba yun o hindi. I really don't know if sinasabi lang nya yun para i-good time ako.

"Ay naku Keith, tama na yang kakaisip dyan." kumento naman ni Ali. Huminga na lang ako ng malalim.

"E pano ba naman, hindi yata nakalimutan yung pang aasar nila sa kanya tungkol kay Raven." Sinamaan ko lang ng tingin si Abby.

"Hindi ah. " depensa ko.

"Hindi daw. E sino? Si Gerald?" Dagdag pa ni Abby.

"Alam mo Abby, Isa na lang. Mababatukan na talaga kita."

Tumawa naman si Ali. "Yung bandmate mong yun? Tingin ko may something sa inyo."

"Ha?" pagtataka ko.

"Kayo ba?" Nakangisi na silang dalawa ngayon.

"Hay, ewan ko sa inyo." tumayo ako at lumipat ng upuan. "Gawin nyo mag isa yan."

"Hoy! 'Di namin alam 'to!"

Hindi ko na sila pinansin kahit pa tinatawag nila ako. Napatingin ako sa pinto ng room ng may pumasok. Grupo nila Raven yung kakapasok lang. Tinignan ko lang sial saglit at pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko.

"Ito na pala oh." Napalingon ako sa taong yun.

"Ang alin?" tanong ko kay Raven.

"Yung tungkol sa defense na pinapagawa sa'tin. Ito na."

"Ginawa mo 'to?" tanong ko. Tinignan ko yung unang page na gawa nya.

"Oo. Diba sabi ko ako na gagawa." Tinignan ko sya.

"Pero diba sabi ko rin, huwag na."

"Nagawa ko na e. Sayang naman 'to."

No choice ako kaya kinuha ko.

"Tatanggapin ko 'to, pero magbabayad ako."

"Kahit hindi na." Ngumiti pa sya.

"Ano ba gusto mo?"

"Maging friends tayo, Since mas kilala mo ako bilang Badboy. Gusto ko mas makilala mo ako bilang ako."

Inilahad nya ang kamay nya sa'kin.

"Friends?"

Nag aalangan pa ako kung tatanggapin ko ba yung hiling nya o hindi. Pero naisip ko, bakit hindi.

"Friends." Nakipag-kamay ako sa kanya.

"So friends na tayo ah."

Ngumiti lang ako sa kanya.

Tama ba yung ginawa ko?


~*~


Nang matapos ang org meeting namin, kinausap ako ni Sir Pascual. Hindi ko nga alam na alanganin pala ako sa subject na yun. Nakakainis naman dahil kung kailan naman balak kong mag absent bukas sa subject na yun. Hindi na pala pwede dahil isa na lang, babagsak na talaga ako.


'Ano ba Ms. Del Prado. Anong balak mo sa subject na 'to. Since alanganin ka, magpatutor ka na lang kay Garcia. Sya naman ang highest, sa kanya ka mag paturo.'


Wala naman atang masama kung sa kanya ako magpaturo. Pero parang iba na naf-feel ko dito e. Iba na talaga.

"Keith, Yung report na pinapagawa ko sa yo." Bungad agad sakin ni Christian.

"Tapos ko na." Kinuha ko sa folder yung report at inabot ko sa kanya.

Tinignan nya yun kaya naupo na ako.

"May mali." Binigay nya sa'kin yun uli.

"Tama yan. I-check mo lang." sabi ko.

"I said It's wrong. That's crap. Make a new one."

"Ano?" Tumaas na ang boses ko.

"Mali. Ulitin mo." Umalis na sya at bumalik na sa org room. Sinundan ko agad sya hanggang sa makarating kami sa tapat ng org room.

"Anong mali dito?" Inihagis ko sa desk yung report. "Tama naman lahat yan e. Kung sinasabi mong mali, then sabihin mo kung ano ang mali."

"Sinabi ko na diba? Lahat yun. Hindi ka kasi marunong gumawa. Ang simple lang nyan hindi mo pa magawa ng tama."

"Kung simple lang para sayo, ikaw na gumawa. My god Christian. Pagod na nga ako sa lahat ng subject, sa gig ko. Then isasabay mo pa sakin yan?"

"Napapagod ka na? Then quit." Huminga ako ng malalim at nagawa pa nyang umupo habang naiinis na ako. Pinaghirapan kong gawin yan at sasabihin nyang mali.

"Ayoko na nito. I quit. Kung gusto mo ng perfect na tao na gagawa lahat ng gusto mo. Ikaw na lang. Wag mo na akong idamay." And with that, tinalikuran ko na sya. Pagod na rin akong sundin lahat ng gusto nya.


~*~


"Ano? Nag quit ka na sa org nyo? Bakit?"

"Ayoko na dun." Kinuha ko ang isang chips na nakalagay sa table. "Nakakapagod ng makisama kay Christian. Gusto nya lahat tama, gusto nya sya lahat yung tama. Hindi nya susundin yung iba."

"Malay mo mali talaga yun."

"Abby Mali? E halos lahat ng pagod ko ginawa ko matama lang yun, tapos sasabihin nyang mali? Di sya marunong tumanggap ng tama."

"Hay. Chill ka lang girl."

"Chill. Problema ko pa yung isang subject ko."

"Problema nga talaga yan." Nanuod na lang sya ng palabas habang ako may sinasagutan.

"At ito pa, Kay Raven daw ako magpaturo."

"Ano?" Halata namang nagpipigil sya ng tawa kaya naman natawa na sya. "Seryoso?"

"Oo nga."

"Good luck bes."

Tinignan ko na lang sya at nung umilaw ang phone ko nakita kong nag text si Raven.

Raven:

Malapit na ako. Maybe 5 minutes, andyan na ako.


Malapit na daw sya. Seryoso talagang friends na kami ng isang to? Pinagloloko lang ba nya ako? O totoong gusto lang nya makipagkaibigan?


~~~~~~

VOTE AND COMMENT.... THANKS :)

Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon