Chapter 16

15 3 0
                                    


Chapter 16


Hindi ko na nahintay pa si Abby, dahil sadyang kailangan ko ng umalis. Pero siguro, kahit anong iwas ko sa kanya, hindi siguro yun mangyayari.

"Keith," Tinawag nya ako pero tulad ng inaasahan, huminto lang ako saglit at saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Keith sandali!" Alam kong hinahabol nya ako. Pero bago pa ako makalayo ay nahawakan na nya ang kamay ko.

"Ano ba?!" Hinarap ko sya. Binitawan naman nya ang kamay ko. He frustrated brush his hair using his finger.

"Ano bang kailangan mo?" Hindi ko naman kasi alam na babalik na sya. Ang buong akala ko, hindi na sya magpapakita. "Bakit ka pa kasi bumalik?"

"Ayaw mo ba?" Malungkot na wika nya.

"Oo." I said.

"Then, I guess.. I should stay away from you?"

"Ganon na nga. Ayokong makita ka, Ayokong makausap ka.. Kasi tuwing nakikita kita.."

"Ano?" 

"Basta! Lubayan mo ako.." Tinalikuran ko na sya. Oo, at ayoko ng makita pa si Lenard. Kahit kailan. He's my ex. My past and I don't want him ruin my present life ng dahil lang sa bumalik sya. Whatever reason he have, I'll never listen to him because he's a liar. A cheater and a jerk.


~*~


Hindi ko naman pwedeng habang buhay syang iwasan. Kung maaari lamang, ayoko syang makita na. 

"Ano na bang balita sayo? Nakita mo na ba sya?" tanong sakin ni Abby habang kumakain ng chips.

"Sino?"

"Yung.. Ex.. mo?"

Saglit ko lang syang tinignan at saka ako sumagot.

"Kahapon."

"Oh.. Anong sabi?"

Sumandal ako saka ako kumuha ng chips na kinakain namin kanina pa.

"Gusto nyang makipag usap."

"Anong sinabi mo?" Halata talaga na naghihintay sya ng isasagot ko.

"Wala.. "

"Wala lang? Bakit?"

Pinanliliitan ko sya ng mata.

"Anong wala lang? Syempre ayaw ko nang makita ang kumag na yon."

Lumapit pa ng kaunti sakin si Abby saka nagsalita.

"Hindi ka pa ba naka move on?" Pinitik ko yung noo nya.

"Baliw!. Matagal na akong move on sa kanya."

"Kanino ka nagmo- move on?" Parehas kaming napatingin ni Abby sa likod namin. Nakatayo roon si Raven na nakapamulsa pa at nakasandal sa poste ng gym.

"Kanina ka pa dyan?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya. 

"Hindi naman." Nilagpasan lang nya ako at umupo sa may tabi at hinablot nya yung isang chips na hindi pa namin nabubuksan.

"Ex mo ba?" tanong nya. Matagal akong nakatingin sa kanya at hindi ako nakasagot agad.

"Baka matunaw ako nyan.. Ex mo ba yung tinutukoy nyo?" tanong nya ulit. Tumingin ako kay Abby saka ako nagsalita.


~*~

Playing Games with My Heart [Book 1 of Games Doulogy] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon