CHAPTER 8 [Try]

2.6K 87 7
                                    

CHAPTER 8 [Try]

(DEON'S POV)

Simula ng sabado ng gabi hanggang linggo, nagpa practice kami ng mga kantang kakantahin namin. Madalas kasi wala kaming rehearsal eh. Nung dumating yung baguhan na yun sa bar doon lang kami nag umpisang magseryoso.

Nagkaroon ng mahabang pila sa labas ng Music room. Buti nga nakapasok pa rin kami ng matiwasay sa loob.

"Bigyan na ng relief goods ang mga yun" utos ko pagkapasok sa loob. Napalingon sa amin yung lalaking nagaayos ng papel sa loob ng room.

"Ang sama ng mga itsura nyo ah" sabi sa amin ng Adviser namin si Sir Zeke. Kasalukuyan itong nagaayos ng mga papel. Umupo na yung tatlo kong mga kasama sa isang long table sa gitna ng music room.

Ngayon kasi kami tatanggap ng mga bagong member ng club. Marami ring nagpasa ng application. Lumapit ako kay Sir at tiningnan yung mga papel.

"Ano tong mga panggatong?" tanong ko kay Sir at tiningnan yung mga pangalan ng mga nagpasa ng application.

"Hay nako! Tumahimik ka Deon! Papasukin nyo na yung mga mag aapply" utos ni Sir Zeke. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon nang biglang may sumubsob sa dibdib ko sa pagtutulakan nila.

"Put* naman oh! Hwag nga kayong magtulakan!" galit na sabi ng babaeng nakakairita ang mukha. Hindi ito nakatingin sa akin kasi pinagsasabihan lang nya yung mga taong nakapila sa likuran nya. Napahawak ito sa dibdib ko at napatingala! "AY SI DEMON!!!"

"Sino yun?" tanong ko kay Hya na unang una pa sa pila. Inirapan ko sya at humarap sa mga taong nakapila. Binangga ko lang sya.

"Sino pa ba? Dahandahan naman may tao oh" reklamo nya at napahawak sa ilong nya na nabunggo ko.

"Tao ka ba? Pakibasa nga yung flier?" utos ko kay Hya at muling tiningnan nya yung flier ng Music club.

"Oh? Nabasa ko na! Bakit ba?"

"baka hindi mo maintindihan, ang sabi dyan kailangan namin ng singer o taong nakakapagtugtog ng mga instrument, Hindi Janitor" sabi ko rito. Inirapan nya ako habang naka cross arms. Kung pumunta lang sya rito para mang asar pwes nagtagumpay sya. Nagkunwari na lang ako na hindi ko sya nakita at sinigawan yung mga taong nakapila. "HOY! TATAWAGIN YUNG PANGALAN NYO KAYA HWAG KAYONG MAGTULAKAN!"

"Kala mo kung sino!"

"Shut up! Ang ingay mo!" sabi ko.

Muli akong sumulyap sa Hya na yun na masamang nakatingin sa akin at inirapan nya. Pumasok ako sa loob at malakas na sinarado yung pinto. Napalingin sa akin sila Sir Zeke, hindi ko na lang pinansin at umupo sa long table.

"Si Hya yun di ba?" tanong sa akin ni Meshel habang hawak nya yung mga papel. Kinuha ko yun at hinanap yung application form ni Hya Joyce Legarda saka niligayan sa pinakadulo. Ibinalik ko naman kaagad yung mga papel sa kamay nya.

"Oo sya nga!"

"Maganda to!!!!" gigil na sabi ni Meshel at tumingin sa naka thumbs up na sila Dylan at Gemar.

(HYA'S POV)

Ang tagal namang tawagin yung pangalan ko! Inuugatan na ko sa kinauupuan ko ang wala pa rin ni isang 'Hya Joyce Legarda' akong naririnig. Gamit yung hiniram ko na gitara sa kapitbahay namin nagumpisa na akong mag practice ng strumming.

"Huhuhuhuhuhu Wala raw akong talent!" pagiyak nung babaeng kakalabas pa lang ng room. Napahinto ako sa pagstrumming, nakakacurious naman parang ang bilis ng audition.

[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon