CHAPTER 10 [Knock out!]
(HYA'S POV)
Grabe! Napapagod na ako paikot ikot dito sa restaurant! Kung baga sa kotse over loaded na ang mga tao rito. Bigla na lang ako binangga ng isa kong kasama.
"Ano yun?" inis kong sagot rito ng makita ko syang parang inasinan na bulate. Itinuro nya yung inupuan ng Checkmates kanina. Oh? Nandoon pa pala si Deon?
"Ang gwapo nya!!!!" makilig kilig nyang sabi sa akin, Sya si Belle. Tapos biglang sumimangot at ngumuso. "Ang kaso ikaw lang yung tinitingnan, boyfriend mo?"
"Uy! Pwede ba? Nang aasar lang yan!"
"Ano ba yan? Kapag maganda ang tao kailangan pogi yung magiging kanya?! Tapos pag panget kahit sino na lang na latak dyan!" reklamo nya. Minsan nahihiwagaan ako rito eh. Sino ba kausap nya? Ako o sarili nya?
"Maka latak ka naman! Kung gusto mo sa'yo na sya!" sabi ko rito. Tuwang tuwa naman itong nagbabye sa akin at lumapit sya kay Deon.
Tumingin ako sa paligid. Buti naman unti unti ng nauubos ang mga tao sa resto, Anong oras na rin kasi eh. Baka malate ako ng uwi ng bahay nito eh.
Napansin ko na pinapalapit ako ng Manager namin kaya lumapit ako. Biglang itinaas ng manager yung kamay nya at isinuklay sa buhok ko inilagay nya yun sa ytenga ko. Kaagad akong napalayo sa kanya. Pinagtitinginan na rin kami ng mga kumakain dun. Bigla akong kinilabutan sa ginawa sa akin ng manager namin.
"Ah-Ah? Sir Bakit po?" tanong ko rito at ipinatili yung distansya namin sa isa't isa nakangiti itong nakatingin sa akin. Ihhhh! Ayan kinikilabutan talaga ako ngayon.
"Remember! Bawal ang messy hair dito" malambing na babala nito.
"Ah okay po!" nagtataka kong sabi. Luminga linga ako para may makitang gagawin. Eh ayokong tumunganga lang dito nakakatakot ang manager namin. Sakto namang umiiyak si Belle sa gilid. Patakbo akong umalis palapit sa babae.
HAY! Buti nakaalis kaagad ako!
"Uy! Anong nangyare sa'yo? Ba't ka umiiyak?" tanong ko sa kanya. Pinunasan nya yung luha nya at humarap sa akin.
"Sa-sabi sa akin ni Pogi" sabi nya sabay turo kay Deon na nagkakalikot ng cellphone. "Sabi nya, Hwag ko raw guluhin yung buhay nya, sa iba raw ako manira ng gabi"
"Buti nga yan lang ang sinabi nya sa'yo eh! Dapat pinasalamatan mo yang Demon na yan" payo ko rito habang hinihimas ng mariin yung likod nya. "Nagsasayang ka lang ng luha kapag iniyakan mo pa yan!"
Seryoso ako sa payo ko sa kanya! Habang sya matawa tawang nakatingin sa akin. Ba't ba sila natatawa sa mukha ko? Mukha ba akong payaso?
"Mukhang kilalang kilala mo ah!" tukso nya.
"Kaklase ko yan" walang gana kong sagot rito.
Lumapit ako sa lalaking yun, wala kasi tong ginagawa sa table kundi mag cellphone at inumin pa unti unti yung isang basong tubig.
"Sir? Baka gusto nyong umuwi na? bawal po kasing tumambay rito" sabi ko kay Deon ng maayos. Bawal kasi mag eskandalo rito kaya pinipigilan ko na lang yung sarili. "atsaka sir wala naman po kayong oorderin eh?"
"Kita mo yung tubig? Order ko yan di ba? Hindi ko pa ubos oh? Ang bastos mo naman, pwede kaya kitang ireklamo!" sabi nya at inirapan ako. Aba! Pati ba naman tubig ipaglalaban mo?
"Ay sorry po Sir ah! Enjoyin nyo lang po yung tubig mo!"
"Talaga! Wait anong oras yung alis mo rito?"
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Teen FictionSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...