CHAPTER 16 [What am I doing?]
(DYLAN'S POV)
Marami pa kaming itinugtog kasama si Heartless. Madali lang namin sya nakasundo pagdating sa kung anong kanta ang kakantahin nya. Kahit na biglaan natapos namin ang araw na matiwasay.
...pero hanggang ngayon yung taong inaasahan namin na kasama namin ngayong oras na to ay wala at tingin ko hindi na darating pa.
Natapos ang gig ng maggagabi na pero si Mr. Lee nandito pa rin sa bar. Pinuntahan nya kami sa backstage. Tahimik lang kami na nakaupo sa isang upuan kasama si Heartless.
"Guys! May sasabihin sa inyo si Mr. Lee" sabi ni Kuya Ken at humarap sa amin si Mr. Lee. Nakangiti ito at kinamayan kaming apat.
"Magaling! Gusto ko kayong imbitahan sa studio namin para sa magiging training nyo. Gagawin namin kayong isang mas magaling na record artist. Ang tanong na lang ay kung iaaccept nyo yung offer ko?" tanong ni Mr. Lee. Nagkatinginan kaming apat sa isa't isa.
"Mr. Lee, meron po kasi kaming isang kasama pwede po ba rin sya makasama sa amin?" tanong ni Meshel. Si Deon yung tinutukoy nya.
"Okay nasan na sya? Kung may ipapakita sya sa akin na may x factor sya kagaya nyo baka pwede pa?" sabi ni Mr. Lee at nag cross arms. "...kung wala naman sya rito para ipakita ang talent nya baka hindi"
"Okay po yung offer nyo, gusto po namin" sagot ni Gemar. "Ang kaso lang kung papayag si Dylan, papayag din kami"
"Opo pasyensya na po ang kaso yung vocalist po kasi namin hindi sumipot" dahilan naman ni Meshel. "Si Heartless po solo performer. Kung isa pos a Checkmates ang hindi pumayag, Hindi na rin po lahat papaya."
Tumango tango lang si Mr. Lee sa amin at humarap naman kay Heartless na kasalukuyang tahimik at nakatingin lang sa amin.
"Ikaw pala si Heartless, there's a big future ahead of you. Do you accept my offer?"
"No sir" sagot ni Heartless. Ngayon lang namin sya narinig magsalita at tingin ko o tingin namin na parang may kaboses sya na kakilala namin. Si ka ba talaga Heartless? "Hindi po, sorry po pero may gagawin pa ako mauna na po ako"
Dali daling umalis sa backstage si Heartless. Gusto ko yung offer ang kaso, paano si Deon? Halos kaming tatlo hirap na magdesisiyon. Ayaw namin na isa sa ami ang hindi masama sa pagkakataon na to.
"So? Dylan? What's your decision?"
"Sir hindi po namin matatanggap yung offer nyo" sagot ko na nakayuko. Hindi naging maganda ang mukha ni Mr. Lee na umalis sa harapan namin habang si Kuya Ken naman ay sobrang nanghinayang sa pagtanggi ko.
(HYA'S POV)
Hindi ko alam ang nangyare sa kanila, Ano kaya? Nakatulog na sila Mama at Papa, maghahating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog sa kakahintay kay Deon sa labas ng bahay namin.
Ang lamig lamig na ng paligid pero ni isang taong dumaan sa kalsada wala. Halos maipikit ko na rin yung mata ko sa labas ng pinto. Nasan na kaya yung demonyong yun.
"Ba't nandito ka pa? gabi na ah"
Kaagad akong napadilat at napatingin sa taong nagsalita. Kung hindi ko lang kilala to baka akalain ko na akyat bahay to na nabugbog. Marami syang pasa sa mukha at galos sa katawan habang iika ika syang lumapit sa akin at dinaanan lang ako papasok sa bahay. Kaagad akong napatayo at nagulantang ang mukha sa lagay nya.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Teen FictionSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...