CHAPTER 53 [feel it]
(HYA'S POV)
"HYA! H'wag ka ngang magtaggo dyan! Lumabas ka!?"
Sumisigaw yung lamang lupa sa labas ng pinto ng CR. Napaupo lang ako sa likod ng pintuang kiakalabog ni Deon at napatakip ng tenga. Sh*t! Ngayon pa talaga! Mas pipiliin ko pang gigisahin sa tanong ni Zariah kaysa makaharap ko si Deon.
"Hoy! CR ng panlalaki yan? Hya! Labas ka na dyan! Mukha kang tanga. hoy!"
Napadilat ako nang makita ko yung paligid at kaagad ko napansin ang lolo na umiihi sa urinal. Hindi ko tinitigan pa ng matagal at napapikit na lang sabay taklob ng palad ko sa mukha ko. Jusko! Wala po talaga ako nakita nakatalikod po si Lolo wala po taaga! Wal!
"Sorry po Lo! Wala po ako nakita naku po!?" pauit ulit kong sabi nakrinig ako ng pagbukas ng gripo. This time tumingin na ko kay Lolo baka ano pa yung mangyare baka atakihin na to sa akin. Naghuhugas ng kamay. "Lo Sorry po!"
"Naku! Naku! Naku! Hindi ko ba alam sa mga kabataan ngayon!" iritableng banggit ni Lolo habang sinisermunan ako. Lumapit ito sa akin habang nakaharang ako sa may pintuan. Nakapamewang pa ito. "Kayo talagang mga kabataan ngayon! Kunng san san na kayo umiihi! Lahat na lang ng kanto ginawa nyong ihian!"
"Hindi po ako umiihi sa kanto Lo" paliwanag ko rito.
"Naku! Naku! Naku! Ikaw! Umihi ka na kung naiihi ka! Deretsuhin mo nga yung sarili mo! Itong bakla na to? Kung bakla ka? bakla lang! h'wag kang mag cross dress"
"Ha? Hindi po ako Bakla Lo!"
"tama bang mag suot ka ng ganyan kung may lawit ka ha? May kinalaman ba si Rizal tungkol sa pagko-cross dress mo Iho? May may nadagdag na ba sa kantang Lupang hinirang? Ang mamatay na naka palda na maong?"
Napatigin pa ko sa palda kong maong. Nakanguso na ko sa pinagsasabi ng Lolo. Malabo na ata yung mata nito. Hindi namna ako baklangg nag ko-crossed dress eh
"Hindi naman Lo! Babae po ako!" paliwanag ko rito. Tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa. Umiiling pa ito na tila hindi ko sya nakumbinsi na babae ako. Patuloy lang sa pagkalabog ng pinto si Deon mula sa labas.
Hinawakan ko pa yung doorknob para lang hindi mahawakan ni Lolo.
"Karapatan nating umihi iho. H'wag mong pipigilan yung mga taong gustong maidaloy yung ihi" mahinahon na lang na sabi ng Lolo. "lalabas ako tabi dyan Iho"
"Hindi po ako bakla!"
"Kulit mo Iho! Mas makulit ka pa sa apo ko!" sigaw nito sa akin.
Sobra na atang nanggigil sa akin yung lolo kaya piningot ako sa kaliwang tenga ko napabitaw ako sa doorknob at napahawak sa tenga kong namamaga na dahil hindi pa ito mabitaw ni Lolo. Tinanggal nya ako sa pagkkakaharag ko sa pinto, hinila ba naman yung tenga ko paalis ko roon. Tapos binuksan nya yung naka lock na pinto.
Kitang kita ko pa yung mukha ni Deon na papasok na sana kaso napatabi na lang sa gilid dahil dadaan si Lolo na hawak hawak pa rin yung kaliwang tenga ko. Halos mapatingkayad ako hindi pa rin matanggal tangal ang kapit ng daliri ni Lolo. Napaluha luha na akong umaaray.
"Aray ko po. Sorry po!?" bulahaw ko.
"Ikaw!? Boyfriend mo ba yan?" tanong sa akin ni Lolo. Hindi ako makailing dahil sa higpit ng pingot nya sa tennga ko. Bigla na lang binitawan ni Lolo yun tenga kko. Mukha akong tangang tumakbo sa likuran ni Deon. Ayoko na sa mamtatanda simula ngayon! Hindi na ko kakausap sa lolo. Tumingin pa ito ng matinndi sa akin, di ko sure kung sa akin nga o kay Deon ito nanlilisik ang tingin. "Iho! Ang kisig mo pa naming lalaki!? H'wag kang papatol sa bakla!? Kung gusto mo ipakilala na lang kita sa apo ko!"
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
JugendliteraturSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...