CHAPTER 29 [Baby sitter 1]

1.3K 39 2
                                    

CHAPTER 29 [Baby sitter1]

(HYA'S POV)

December, nagsisitago na yung mga ninong at ninang dyan. Napaaga yung bakasyon namin pero may isang linggo pa kami ngayong December bago mag hay na hay. In short, may pasok pa pero isang linggo na lang naman. Ganon talaga eh!? Tapos nakuha ko na rin yung cellphone kong mahal (ko). Si Sir Zeke ang nagbigay sa akin nun, ang sabi sa akin ni Sir naiwan ko lang daw yun sa music room nakalimutan lang nyang ibalik pero sa pagkakatanda ko narinig ko talga ito sa bulsa ni Deon eh. Ang sabi naman ni Deon 'Hindi ko alam!'.

Ang hirap na talagang magtiwala ngayon. Kasalukuyan akong nakakulong ako sa apat na sulok ng kwarto ko. Wala naman akong gagawin eh!? Atsaka yung trabaho ko night shift kaya nganga ako tuwing umaga.

"Mahal na mahal kita!" sabi ko at hinalik halikan yung cellphone. Namiss ko sya. Buti na lang talaga walang nakapanuod ng nakabaong video ko rito.

"At kalian mo pa naging syota yan?"

Napalingon ako sa may pinto, nakatambay posi roon si Deon habang naka crossarms na nakasandal sa nakabukas pala na pinto. Sumama yung tingin ko at nagkunwaring wala akong minahal (yung cellphone ko!) Kaka aylabyu ko mukha tuloy akong sira.

"Ano ka ba? Ba't ka nandyan?"

"Kakain na"

"Edi kumain ka, pwede naman akong mag kusang pumunta roon hindi ba?" pagtataka ko rito ng biglang nagbago yung good mood nyang mukha sa evil mood.

"Subukan mo kaya sumilip sa kusina" utos nya sabay irap at umalis roon.

Hindi ko naman tangay tangay yung sikmura nya para ayain pa akong kumain, pero siguro nga? Nasapian naman ng kabaitan tong si Deon at hinndi makakain ng hindi ako kasama. Umalis ako sa kwarto at bumaba para pumunta sa kusina. Nang makitang wala ni isang tao roon, hindi counted sa sinasabi kong 'Tao' yung kapatid ko na nakaupo sa lamesa. Itinuro ni Deon yung papel na nakadikit sa pinto ng refrigerator.

'Hya,

Pasyensya na kung hindi kami nakapagpaalam. May kailangan lang kaming puntahan kaya buong araw wala kami dyan ng Mama mo. Ikaw na muna ang bahala sa bahay at sa kapatid mo.

...Tapos yung mga sumunod na parte ng sulat halatang iba na yung sumulat nun.

Ikaw na yung maglinis dyan! May luto ng ulam dyan at may sinaing na rin. Mama mo to! Papa mo yung kanina. Yun lang! Sige na alis na kami! Nasa labas na Papa mo baka iwan pa ako sige na.'

Ibang klase talaga si Mama, Maski yung nararamdaman at nangyayare sa paligid nya isinusulat. =_= Pwede naman itext! AY siguro kahit hindi na! baka pati yung pagpasok nila sa pintuan itext pa nya.

"Nagdate lang yung dalawang yan" sabi ni Deon. Napaupo ako sa lamesa katabi nya at ganun din naman ang paglayo nito sa akin. Anong na namang drama namin? "bakit ba kailangan mo pang lumapit?"

"Wala lang! H'wag ka ngang ano dyan?! Wala naman akong ketong no?"

"Ay wala ba? Parang meron eh" maang maangan nya. May dinukot syang kung ano man sa bulsa at inilabas yung papel. Hindi ko pinansin yung pang aasar nya at nakatingin lang doon sa papel. "Titingin tingin mo dyan?"

"Wala naman po Sungit!" sabi ko. Kung alam ko lang, tingin ko alam ko naman kung bakit nakaupo lang ang lalaking ito sa upuan. Sinandukan ko pa sya ng kanin at adobong mainit init pa kasi ininit ko muna.

Inilapag ko yung kanin na may ulam sa harap nya at ganon din naman ako. Ako na yung unang kumain. So ganito yun, hindi sinasabi nila mama na magde date lang naman sila ni Papa eh!? Tapos naiwan ako kasama si Deon para alagaan sya. O sige nag sink in na sa akin! Yaya mode!

[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon