CHAPTER 25 [Theme song of our story 6]
(GEMAR'S POV)
'Vote Sashie for President'
Masasabi kong ako na talaga ang normal na taong nabubuhay sa mundo. Mga tao rito sa sport festival mga baliw =_= napapagaya tuloy ako kay Deon.
Kasalukuyan akong tangay tangay pa rin ng babaeng to. Hula ko ito si Sashie! May nakalagay na violet ribbon sa kanang braso nya indicated na isa sya sa partylist na tumatakbo ngayong term.
Napahinto kami sa bulletin board. Ibinigay nya sa akin yung mga papel, actually inabot lang nya habang inaayos nya yung isang may kalakihan na banner para idikit sa bulletin board.
"Oh! Joseph! Pamigay mo tong mga papel sa mga taong dadaan ah!? Ididikit ko lang to?!" utos nung babae na hindi pa rin ako matingnan sa kabusy-han nya. Hindi pa rin nya nare realize na hindi ako yung taong tinutukoy nya. Nasa bible si Joseph, tumatawag na ata ng santo itong babaeng to.
Walang gana kong tiningnan yung papel na may mukha. Oo tama nga ako si Sashie nga tong babaeng to. Iniabot ko sa mga tao yung papel isa isa.
"Boto nyo! Madaldal sya tapos hindi kilala yung kinakausap nya" sabi ko sa mga taong dumadaan. Buti lumayo ako ng kaunti kaya yun hindi ako marinig. Eh Kung tumakas na kaya ako?
"Hi! Gemar!" kaway sa akin ng isang grupo ng kababaihan. Napatigil ako at napakaway na rin. Iniabot ko sa kanila yung mga papel. "What's this?"
"Boto nyo raw sya, magpapa free wifi sya sa school" sabi ko sa mga to. "Paki pamigay na lang sa friends nyo ah!?"
"Ang bait naman this guy"
"O sige Gemar just for you, May performance pa kayo mamayang hapon hindi ba?"
"Yes meron nga, nuod kayo ah" pag aaya ko sa mga to. Tumango tango sila habang pinapamigay yung mga papel. Buti na lang may mga tagapagligtas ako. Makaalis na nga baka hinahanap na ni Dylan yung swerteng coin nya na nagpapamalas sa araw ko ngayon.
Pabalik na ako sa backstage ng biglang may humila na naman ng kwelyo ko kaya napabago ako ng daang tutunguin. Si Sashie na naman to na hindi na namana nakatingin kung sino yung hinihila nya.
"Thomas! Samahan mo ko sa bodega may kailangan lang akong ipabuhat sa'yo. Isang Speaker raw yung color grey" utos nito at hinila ako derederetso. Putek na coin na to ang malas ah!?
"Teka! Kanina Joseph ngayon naman Thomas!" sigaw ko rito.
"Tumigil ka!" saway nito at inilapat ang palad nya sa mukha ko habang binabasa nya yung papel na kanina pa nyang hawak. "Uminom ka ng gamot after nito ah!? Mukha may ubo ka nagbago boses mo"
Inayos pa nya yung salamin nya at umakyat kami sa hagdan pisti yung building na to! Nasa 3rd floor ang letseng bogeda rito. May isang room dito na sira eh nasa third floor pa kaya yun yung ginawang bodega.
"What the hell!?" bulong ko. Bait ko kasi eh! Kanina santo ako ngayon naman sawsawan! Joseph! Thomas!
Biruin mo! Naging tatlo pa ngayon yung pangalan ko. Padabog kong sinundan yung babae.
"Sashie!?" tawag ko rito.
"Oh? Bakit?" tanong naman ni Sashie habang nanguna at nagbabasa ng libro. Hindi na namna ito nakatingin sa akin =_= Sayang mata mo Sashie puro papel ang kaharap mo.
"Listen! Hindi ako yung taong tinutukoy mo neither Joseph nor Thomas" sabi ko rito. Mukha naman syang sirang tatango tango. "Ang sabi ko listen!!"
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Teen FictionSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...