CHAPTER 46 [Music Camp 10]
(HYA'S POV)
Kasalukuyan akong nasa tent ni Zariah. Nandito rin sya at baliw na baliw sa kakapili kung ano ang isusuot nya para mamaya maging maganda raw sya kapag nakita sya ni Deon.
Sarap sanang sabihin, Zariah pag akita ka ni Deon baka bugahan ka ng apoy nyan pag lalo mong kinuit.
Umiling na lang ako bigla kong maalala si Deon. Hay! Hindi ko dapat inaalala yun!
"Hey! Hya! Kinakausap kita eh!?" inis na sabi nito sa akin habang niwawagayway ang pink na dress na hawak nya. Napatingin ako sa kanya na nagtataka. "I knew it! Hindi ka nga nakikinig, sabi ko ano ba yung favorite na kulay ni Deon, pink ba? Gusto nya?"
"pwede?" pagtataka kong sagot rito.
"Ah! Blue! Blue ba gusto nya?" tanong nya at inilabas nya ang baby blue na off shoulder lace dress.
"pwede! Maganda yan!" sagot ko na tipong para ako yung taga check kung bagay ng sa kanya ung damit. Umimangot iito at inirapan ako.
"Are you sure na kapatid mo yun? Mukhang hindi eh!? Di ka sure sa favorite color nya? Anong klase ka" tanong ni Zariah. Hindi na ko nag mamaang maangan pa hindi ko naman talaga alam yung mga bagay bagay na yan tungkoy kay Deon.
Humalumbaba ako at tumtingin lang sa kaartehan nya. Kinikilig kilig pa sya sa harap ng saamin habang tinitingnan yung mga dress nya.
"Zariah? Matatapos na yung kontrata ko sa'yo sa susunod na taon" banggit ko at mula sa salamin nakita ko ang hindi maipaliwanag na mukha ni Zariah na nakatingin sa akin. "I'm sorry Zariah pero wala talaa akong balak na maag renew kung sakali"
"What?"
"Nililinaw ko lang naman kasi hindi ko na gustong ipagpatuloy 'to" sabi ko rito habang deretso akong tumingin sa kanya.
Seryosong seryoso ako sa sinabi ko at wala akong balak na bawiin ang mga yun. Ayoko na talaga! Simula pa lang pinagkaisahan na ko. Tinggap ko lang naman yung alok dahil sa gipit ako nun at yung contest na dapat ako ang nanalo, na nagging hindi dahil sa kanila mismo.
Yung hindi nya maipaliwanag na mukha napalitan ng ngiti matapos kong magsalita. Laking duda ko ng Makita ko syang nakangiti at humarap pa sa akin. Dahan dahan syang lumapit sa drawer nya na malapit lapit lang sa malaki nyang salamin may nilabas syang kapiraso ng papel.
"For your information, Hya, hindi lang dahil sa comment sa post ko kung ba't ako narito" sabi nya at dahan dahang humarap sa akin. Kumuha sya ng upuan at umupo kaharap ko na naka crossed legs pa. "Since alam ko naman na mababanggit mo ang tungkol rito, I'm always ready and gustong makipag negotiate sa'yo"
"Ha?" gulat kong tanong rito. Bagamat alam ko na na may gulo na naman syag hated sa akin. Hindi ko alam kung ano yun. Nakakainis hindi nya talaga ako gustong pakawalan. Iniwagayway pa nya yung papel sa harap ko "What the!? Ano na naman yan!"
"Easy! Madali lang ang choices mo? Pero hindi ko itatanggi na mahirap syang tanggihan" sabi nya at tiningnan nya ang papel. "Well, ganito yan, ang sponsor, si Mr. Lee at ang management nito ay kilalang kilala ang father ko which is their boss actually" matawa tawa pa nyang pagkukwento kasama yung kaartehan nya sa pagsasalita.
"At anong gusto mong palabasin" seryoso kong pagbabanta.
"Kayang kaya kong baguhin ang result sa contest na to. It means that I can choice whoever singers or a group band rather na mananalo sa contest" sabi nito. Hawak pa nya yung papel. "Kung sakali lang naman na manalo ang checkmates or grupo nila Deon sa contest gabay na rin ng tamang pagcalculate ng mga judges, edi okay. Pero pwede mo rin namang baguhin yung result kung hindi mo pipirmahan ang another 3 years contract natin"
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Teen FictionSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...