CHAPTER 28 [Theme song of our story 7]
(DEON'S POV)
Kasalukuyan akong nasa labas ng music room habang kinakalikot yung cellphone ni Hya. Sa pagkakaalam ko naka silent mode to eh!? Bakit tumunog kanina?
Pinihit ko yung ko yung doorknob at dahan dahang binuksan ang pinto habang nakatingin sa cellphone. Wala namang password ang cp nya! =_= kaya kapag ninakaw mo sa'yong sayo na! Pumasok ako sa loob at walang tinginang isinara kaagad ang pinto.
"Bakit nandito ka Deon?"
Napaangat ako ng mukha sa taong.... Mga taong nakaupo sa upuan at nag uusap. Sila Sir Zeke at Ken, Bakit nandito yung lalaking may ari ng King's Bar? Sa pagkakantandan ko ang huling nakita ko sila nitong magkasama ay yung pumunta ako ng biglaan sa bar.
"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Ken. Sa halip na sagutin ako ni Ken lumapit lang ito sa akin at kinuha yung cellphone na hawak ko. "Huy! Akin na yan!"
"Kay Hya to hindi ba?"
"Paano mo naman sya nakilala?"
"Nakalagay" sabi ni Ken at ipinakita yung palawit sa cp ni Hya na may nakaburdang pangalan. Sa isang araw na nasa akin yung cellphone na yan ngayon ko na nga lang nakalikot saka pa kukuhain.
Lumapit ako sa kanila para kuhain yun ng biglang ibinigay ni Ken yung cp kay Sir Zeke at kaagad naman nitong binulsa. Inis akong napatigil sa paglapit at tiningnan ng masama ang dalawang hukluban.
"Ano ba?!" inis kong sigaw dito.
"Umalis ka na rito Deon! Mag uusap pa kami ni Ken" utos sa akin ni Sir Zeke at nag tsupi tsupi gamit ang kamay nya. Pinagmukha pa nya akong aso!
"At tungkol saan naman?"
"ang sabi ko maguusap kami ni Ken, wala ka sa nabanggit" paliwanag ni Sir Zeke. Natawa naman si Ken. Kala ata nila joke time ngayon eh!? Asar na asar na kaya ako sa mga to.
Lumabas ako sa room pero syempre ayokong umalis na lang basta basta na hindi ko malalaman yung paguusapan nila. Pagka sara ko ng pinto kaagad kong idinikit yung tenga ko doon para makinig.
"Ipagpapatuloy na natin" boses ni Ken. "Syempre dahil hindi lang naman ako ang kailangan magdesisyon, syempre kasama ka dahil ikaw nag nababantay sa mga kalokohan ng Checkmates dito sa school. Papayag ka ba kapag isama ko sila sa music camp?"
"Kailan naman yang music camp?"
"Sa bakasyon ngayong December, balita ko maaga ang school na to magbabaksyon hindi ba?"
"Oo maaga nga. Sige papayag ako, total ikaw naman ang nagbuo sa kanila eh salamat nga pala sa pagpaalam sa akin" boses ni Sir Zeke. Isasama kami sa isang Music camp? "Oo nga pala, tungkol kay Heartless"
Yung narinig ko yung pangalan na 'Heartless' mas idiniin ko pa yung tenga ko. Alam ba ni Sir Kung sino yun? hindi ko kilala yung pagkatao ni Heartless?
Ano ba yan! Sir Zeke! Ken! Magsalita na kayo tungkol sa babaeng yun!!
"Ano yung tungkol kay Heartless? Nakita mo na syang magperform no? Magaling sya" boses ni Ken. "Kasama rin sya sa Music camp! Actually Zeke ang tunay na habol talaga namin dyan ay yung isang linggong training after nun completion ng camp para malaman kung sino ang mga magiging CAMP SINGER 2016"
"Hindi mo ba ipapaalam kanila kung sino sya?"
"Ipaalam? Makikilala nila si Heartless sa mismong camp. Ipapakilala ko sya, yung tunay na pagkatao nya. Tsaka matutuwa sila nun... lalo na kasi si Heartless ay si..." boses ni Ken.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Teen FictionSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...