CHAPTER 12 [Be somebody]

2.1K 60 1
                                    

CHAPTER 12 [Be somebody]

(DEON'S POV)

Paano nila nalaman? Nang makita ko yung kumot at unan ko na itinago ko pa sa case ng gitara ni Meshel na ngayon gamit na ni Hya, sumakit na naman yung ulo ko.

Patakbo akong humarap sa pintuan para umalis. Nang makitang nakaharang nap ala si Gemar roon. Kaagad akong sumugod sa may pinto para maaalis. Hinawakan ng mahigpit ni Gemar yung kamay ko na nasa doorknob.

"DYLAN!!! DALI HAWAKAN MO YUNG ISANG KAMAY!" utos ni Gemar. Mabilis na tumakbo si Dylan at mahigpit na hinawakan yung isang kamay ko.

"I'm sorry Deon! Kapag si Bhoxs Gemar ang nagsabi napapasunod ako eh" sabi ni Dylan. Hinila nila ako palapit doon sa dingding kung saan nakapwesto si Meshel.

"HOY! ANO TO!!!!" sigaw ko. Idinikit nila ako sa dingding, tigkabilaan sila ni Dylan sa kamay ko kaya hindi ako makagalaw.

"MESHEL YUNG HOLY WATER! KUMAIN MO SA BAG NI DYLAN! IHAGIS MO SA KANYA!" utos ni Gemar. Seryosong seryoso sya na parang nasa isang horror film. Talagang holy water? Anong gagawin ko dyan? Iinumin?

Si Meshel lang yung matino sa amin. Nakatingin ito sa amin na walang kabuhay buhay. Tumayo sya at kinuha yung isang maliit ng bote at ibinuhos sa akin.

"Ano ba yan! Lulunurin nyo ko?" sabi ko rito at hinila sa kanilang dalawa yung kamay ko pero hindi ko pa rin mabawi. "SIR ZEKE! SIR ZEKE! SIR ZEKE!"

"Wala sya rito, kahit anong sigaw mo walang tutulong sa'yo!" sabi ni Meshel. "Sagutin mo lang ng maayos ang tanong namin ibabalik ka namin sa bahay nyo"

"Pwede ba! Hwag nyo akong ibabalik doon!?"

"No choice ka na! kaya sabihin mo sa amin!"

"Pagsinabi ko, bibitawan nyo ko?"

"Oo naman!"

"Tapos sa akin mapupunta yung 75% ng kita natin sa bar?"

"Hwag naman yun!" reklamo agad ni Gemar.

"Pareparehas lang tayo nagpapagod! Hwag yun!" reklamo naman ni Dylan.

"O sige ba! Basta ikukwento mo!?" sabi naman ni Meshel.

"Rinig mo yun? 75% sa parte ni Meshel lang ang makukuha mo ah" sabi ni Gemar.

"Sige ba? Bintawan nyo na ako" utos ko. Susubukan ko sanang tumakbo ang kaso mga seryosong nakakakonsyensya yung mga mukha nila na nakatingin sa akin. "Oo na, kagabi, may nangyari kasi sa restaurant. Ba't hindi na lang kaya kay Hya nyo na lang itanong!"

"IKAW NA!" sigaw nila sa akin.

"Basta nung inihatid ko yang pesteng babaeng yan nakita ko na lang sa bahay nila si papa. Tapos nagdrama sila, sinabing magkapatid kami at sa amin na titira sila Hya" pagkwento ko.

"Ano naman ba yang kwento mo hindi naman kami naiyak!" reklamo ni Gemar habang kumakamot sa ulo nya sa sobrang dismiyado.

"Hindi naman nakakaiyak yun! nakakainis nga! Kaya hindi ako natulog sa bahay"

"San ka natulog?" tanong ni Dylan.

"Ba't ko pa ikukwento? Ang sabi ko lang ikukwento ko kung paano namin nalaman na magkapatid kami! Labas na yung tanong na san ako natulog!"

"Grabe ang lupet mo Deon! Talagang sinabi mo lang! wala man lang details?" tanong ni Meshel.

"Edi hwag nyo na akong tanungin" galit kong sabi.

[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon