CHAPTER 31 [Bampirang may lagSING 1]
(DEON'S POV)
"ANo? Magpapabuhat ka? Mahiya ka nga" sabi ko rito. Halos wala namang tao na nasa daan kahit na hapon pa. Tumingin ako kay Hya na halos mapaluhod na. "Ba't ka pa kasi nalasing eh!?"
"Sige na Deon" pamamakaawa nito na parang nawawalan ng lakas. Halos mahiga higa na ito sa braso ko habang nakaluhod maibuhat ko na lang sya. Tumingala pa ito sa akin aty ngumuso. "Hindi ka ba naawa sa Ate mo?"
"Kung nakikita mo lang yung sarili mo, nakakatawa ka" sabi ko rito at hindi pa rin naalis sa pagkakahawak sa braso ko. Kahit anong hila ko sa braso ko hindi ko na makuha parang inangkin na nya. Napakamot ako ng ulo at muli itong tiningnan. "Sabihin mo muna Pogi ako tatlong beses"
"pogi ako tatlong beses"
"Sabi ko Ako!" sagot ko rito sabay turo ko sa sarili ko. Ibang klase natunaw na ata ng alak yung utak nito.
"Oo nga! Ano bang sinabi ko?"
"sabi mo pogi ako tatlong beses"
"Yun nga yung sinabi ko" sabi nito na tila naguguluhan.
Putek! Kung hindi ko lang nakita na nakainom to baka akalain kong nangaasar lang to eh. Kahit kalian wala ng inihatid ang babaeng to sa akin ng kabutihan.. Wala na akong nagawa kaya lumuhod ako.
"Pasan ka na" utos ko rito. Kaysa pumunta sa likod ko, dumako ito sa harapan ko at umupo rin katulad ng ginawa ko. "Paano kita mapapasan kung nandyan ka, sa harap ko?"
"Gusto ko dyan?" sabi nito at itinurop yung dibdib ko. Tumingin ako rito habang nagtataka sa pinagsasabi nya. Seryoso ba to? Hindi ko na atga kakayanin ah dapat pala hindi ko na lang pinaalis si Dylan.
AY HINDI! SIGE KAYA KO NAMAN!
"Gusto mo bang maging prinsesa?" tanong ko rito at nagtatango tango naman sya sa akin. "Pwes sasabihin ko na sa'yo! Wala talagang prinsesa! Kaya sige na! sa likod ko!"
Sumunod naman ito sa akin at pumas an sya sa likod. Daig ko pang may inaalagaang sanggol. Hindi naman sya ganon kabigat katulad ng bini visualize ko gumaan nga sya sa totoo lang eh? Naglakad lang kami, wala akong balak mag-commute nakakahiya sa mga makakasabay namin sa jeep baka ano pang gawing kahihiyan ng babaeng to mas malala pa sa kasalukuyan nyang ginagawa.
"Alam mo Deon ang bango ng buhok mo, pero tingin ko mas mabango yung leeg mo" sabi ni Hya. Napalingon naman ako sa kanya. Mamaya maya naramdaman ko yung paghinga ni Hya sa leeg ko. SH*t! Ibinabaon nya yung mukha nya sa leeg ko. Napapabali naman ako ng leeg at hindi maka deretso ng lakad.
"Ano ba yan! Kadiri to! Tama na nakikiliti ako!" sigaw ko rito. Hindi ko lang sya masapak kasi yung mga kamay ko nakahawak sa binti nya para makapasan sya eh. "Sige isang ulit mo pa! Ihuhulog kita kala mo dyan!"
Tumawa lang sya at nagpatuloy sa pag amoy sa leeg ko. Anong meron bas a leeg ko? Amoy chicken? Barbeque? Pork? Beef?
"Ang bango kase eh?!"
"Takpan mo yung ilong mo! Kasalanan ko pa ba yun?" asar kong sabi rito at nung hindi pa nya inaalis yung ulo nya malapit sa leeg ko kaagad kong inuntog yung ulo ko sa ulo nya ng magkahiwalay naman. Grabe! Muntikan na ako matawa sa pagkikiliti nito sa leeg ko.
Nang may nasalubong kami na mag kopong, I mean is mag couples. Ang sweet nila yun yung tingin nila sa sarili nila pero sa akin yung pagkakahawak ng babae sa braso ng lalaki parang kadena. Kinakadena lang nila yung sarili mga sarili nila, alam mo yun! parang isang aso at isang pusa kapag tinali sa iisang kadena anong mangyayare?
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] Black Prince's Girl (COMPLETED)
Teen FictionSi Deon Lloyd Legarda ay isang popular na lalaki dahil sa kasamaan ng ugali. Binawi naman kasi yun ng looks nya. Ang looks nya at matipunong boses ang nagpaangat sa kanya. Ang sabi nga ng iba wala na raw ang makakapagpalag sa ugali ng taong to. On...